^

Punto Mo

Singil sa ATM nagtaasan na!

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

SINIMULAN na ngayong buwang ito nang maraming banko ang pagtaas ng singil sa mga gumagamit ng mga automated teller (ATM) machine  na merong basbas ng Banko Sentral ng Pilipinas. May mga  banko na  sumisingil na ng P18 o P15 o P10 sa bawat withdrawal sa kanilang ATM machine. Sinisingil na rin ang balance inquiry na maaaring umabot sa P1 o P2 depende sa patakaran ng bankong nagmamay-ari sa ATM machine.

Kung hindi ka mapanuri o maobserba, hindi mo mapapansin na merong bawas sa pera mo sa banko kapag magwi-withdraw ka sa ATM. Pero, batay naman sa kautusan ng BSP, kailangang nakikita sa screen ng ATM ang mga charge na sinisingil sa withdrawal man o balance inquiry para malaman agad ng gagamit nito.

Gayunman, kung ATM ng banko mo ang iyong gagamitin, wala kang babayaran sa bawat withdrawal o balance inquiry. Libre siya kung ATM ng iyong banko ang gagamitin. Pero, kung ATM machine ng ibang banko ang gagamitin, merong singil na ikakaltas sa laman ng bank account mo.

Kaya nga, sinasabing mas mainam na ATM machine ng iyong banko ang iyong gagamitin para wala kang babayaran. O kaya, magbukas ka ng bank account sa banko na may napakara-ming ATM machine sa iba’t ibang lugar. Kung hindi makakaiwas, maghanap ng ATM ng banko na mas mababa ang singil sa bawat withdrawal o balance inquiry.

May nagpapayo naman na, hangga’t maaari, i-withdraw na sa ATM ang halagang kailangan para sa ilang araw o  linggo halimbawa. Kung P500 o P1,000 lang kasi ang kukunin mo sa isang transaksyon, lumalaki lalo o nadadagdagan  ang babayaran mong ATM charge kung babalik ka na naman o pabalik-balik sa ATM  para mag-withdraw. Kaya mahalagang planuhin ang bawat pagpunta sa isang ATM machine.

Tinatawag na “acquirer-based ATM fee charging” ang bagong sistemang ito ng mga singilin sa paggamit ng ATM machine. Mananatili namang libre ang mga transaksyong ito sa mga ATM cardholder na gagamit ng ATM machine ng sarili nilang banko.

Sa bagong patakaran, ang singil sa bawat withdrawal at balance inquiry ay itatakda ng mga bankong nagmamay-ari sa isang ATM machine (kaya nga, bago gumamit ng ganitong makina, tignan muna kung anong banko ang humahawak nito). Sa lumang sistema, ang bankong nag-iisyu ng ATM card ang nagtatakda ng singil sa ATM fee  mga user.

Hindi ako pamilyar sa puno’t dulo ng bagong patakarang ito sa ATM na sa pagkakaalam ko ay pinlano pa mula noong nakaraang taon habang nasa panahon tayo ng pandemya na totoo rin namang nakaapekto at nakasama rin sa operasyon ng mga banko.

Sa bagong sistema, ayon sa BSP, nagkakaroon ng kumpetensiya sa negosyo sa ATM ang mga banko sa pamamagitan ng pag-aalok ng mas mababang charge kumpara sa ibang ATM sa isang lugar. Mas lalawak at mas higit na mapapahusay ang ATM system na kapaki-pakinabang sa mga konsyumer.

Para hindi magbayad ng mas mataas na fees, pinapayuhan ang sinuman na gamitin ang ATM machine ng kanilang banko o gumamit ng digital cash.

Mainam din na mag-download ng App ng iyong banko, May mga banko na nagbibigay ng mobile bankinbg Apps na makakatulong kung gusto mong malaman ang balance o natitirang pera sa  iyong bank account. Makakatipid ka ng P1 o P2 sa balance inquiry at magagawa kahit sa cell phone lang. Sa Mobile Apps, makakapaglipat din ng pondo na maaaring libre o mas mura kaysa gumamit ng ATM.

Email: [email protected]

vuukle comment

ATM MACHINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with