^

Punto Mo

Kakaibang Eba (45)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“KUMUSTA po Mam? Hindi ka po tumatanda,” sabi ni Jigo sa mama ni Piolo.

‘‘Salamat Jigo. Natutuwa ako at pagkalipas nang maraming taon ay nagkita-kita uli tayo. Hindi ko malilimutan na lagi kang pumupunta rito at naglalaro kayo ni Piolo.’’

“Oo nga po Mam. Retired ka na po pala sa pagtuturo sa unibersidad.’’

‘‘Oo.’’

‘‘Mabuti ka pa po at alive na alive. Ang mga parents ko po ay pareho nang pumanaw. Halos magkasunod po sina Mama at Papa nang mamaalam sa mundong ito. Mga limang taon na po ang nakararaan.’’

“Sumalangit nawa ang kaluluwa ng mga parents mo, Jigo.’’

‘‘Salamat po Mam. Kaya nga po naiinggit ako kay Piolo dahil mayroon pa siyang ina napaglalambingan.’’

‘‘Ay oo tama ka. Naglalambing pa yang si Piolo sa akin. Ang tanda na e parang baby pa kung makalambing. Palibhasa’y bunso.’’

Nagtawa si Jigo.

“Pareho po kaming bunso, Mam.’’

“Oo nga ano. Nung nasa elementarya, e madalas na kayo ang magkasama ano?’’

“Sobra po. Lagi kaming magkasama sa paglalaro. Dun po sa school namin ay may malaking puno ng balete kung saan kami umaakyat.’’

“Ah oo laging sinasabi sa akin ni Piolo yun. Malaki raw ang puno na nasa harap mismo ng lumang school.’’

‘‘Opo. Balak nga po naming puntahan minsan ni Piolo.’’

‘‘Saan ka nakatira rito, Jigo?’’

‘‘Sa sister ko po.’’

Lumapit si Piolo na may dalang apat na malamig na beer at saka bagong luto na pulutan.

‘‘Iinom muna kami ng kaibigan ko ‘Ma,’’ sabi ni Piolo.

‘‘Aba e magluluto ako ng lunch natin. Dito kakain si Jigo.’’

“Sige Ma. ’Yung specialty mong kare-kare ang iluto mo.’’

“Okey, sige. Maiwan ko na muna kayo Jigo.’’

“Sige po. Salamat po.’’

Masayang nagkuwentuhan habang nag-iinuman sina Piolo at Jigo.

ISANG araw ng Sabado, dinalaw nila ang pinagtapusang school noong elementary.

Gulat na gulat sila sapagkat naroon pa nga ang malaking puno ng balete. Halos wala itong ipinagbago.

(Itutuloy)

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with