^

Punto Mo

Namataang misteryosong ‘hayop’ sa Poland na kinatakutan ng ilang araw, tinapay lang pala!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NOONG Abril 14. 2021, nakatanggap ang Krakow Animal Welfare Society ng tawag mula sa isang babae na may isang misteryosong “hayop” daw na namumugad sa isang puno na malapit sa isang residential area sa Krakow, Poland.

Ayon pa sa babae, ilang araw nang hindi nagbubukas ng bintana ang mga residente sa lugar na iyon dahil sa sobrang takot na baka makapasok ang misteryosong “hayop”.

Hinala ng babae, isang kakaibang specie ng Iguana ang namugad sa puno.

Agad na rumesponde ang mga taga-Krakow Animal Welfare Society kahit nagduda sila sa hinala ng babae dahil imposibleng manatili sa labas ang isang Iguana sa napakalamig na klima ng Poland.

Pagdating nila sa lugar kung saan namataan ng mga residente ang misteryosong “hayop”, nagtawanan sila nang makita ang nasa puno.

Isa lamang pala itong croissant, klase ng tinapay na pinauso ng mga Pranses.

Nakasabit ito sa isang sanga ng puno kaya napagkamalang exotic at mabangis na hayop.

Sa tingin ng mga rumesponde, may naghagis ng croissant mula sa isang high rise apartment para ipakain sa mga ibon ngunit sumabit sa isang puno.

Humingi ng paumanhin ang babaeng tumawag at nagreport tung­kol sa misteryosong ‘‘hayop’’ at na­ngako ito na ibeberipika muna niya ang mga irereport sa mga awtoridad upang hindi mapahiya.

Nagpaalala ang Krakow Animal Welfare Society na kahit nauwi sa katatawanan ang pagrereport ng babaing tumawag sa kanilang hotline, hinihikayat pa rin nila na mag­report pa rin sa kanilang organisasyon kapag may nakita sa paligid na may kinalaman sa animal welfare.

vuukle comment

POLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with