^

Punto Mo

EDITORYAL - May reklamosa ECQ ayuda

Pang-masa
EDITORYAL - May reklamosa ECQ ayuda

KATULAD nang nangyari noong nakaraang taon na dinagsa ng reklamo ang pamahalaan dahil sa masalimuot na pamamahagi ng ayuda, ngayong ECQ ayuda ay mayroon pa ring mga reklamong lumutang. Kung tutuusin, hindi na dapat maulit ang mga nangyari noong nakaraang taon pero mayroon pa ring reklamo sa kabila na ipinag-utos ni Presidente Duterte na ayaw na niyang makarinig ng reklamo mula sa benipisyaryo.

Dinagsa ng reklamo ang Department of Interior and Local Government (DILG) at kabilang dito ang sinasabi ng benipisyaryo na wala umano sila sa listahan ng mga tatanggap ng P1,000 ayuda. Bakit daw nagkaganoon e tumanggap sila noong nakaraang taon? Bakit daw nawala siya sa listahan samantalang ang mga kapitbhahay niya ay naroon at nakalista pa rin.

Sa isang report, nirereklamo ng ilang benipisyaryo na bakit ang natanggap nila ay isang pack ng grocery items na nang kuwentahin ay wala pang P1,000 ang halaga. Hanggang saan daw aabot ang ilang kilong bigas, dalawang lata ng sardinas, dalawang noodles, at isang pakete ng biskuwit. Sana raw, pera na lang ang binigay.

Mayroon ding nagrereklamo na may pinapipirmahang waiver ang local government unit (LGU) sa mga tumanggap ng P1,000 ayuda na ang nakasaad ay “mahigpit na pinagbawal ang magreklamo sa gobyerno”. Anong ibig sabihin nito? Bawal magreklamo dahil P1,000 lang ayudang natanggap?

Sabi naman ni DILG Undersectretary Jonathan Malaya sa isang radio interview na walang binibigay na food packs o grocery items ang national government sa beni-pisyaryo. Cash lang umano ang ipinamamahaging ayuda. Ayon kay Malaya, maaaring ang nirereklamong grocery items na natanggap ng benipisyaryo ay nagmula sa LGU.

Nararapat aksiyunan ang mga reklamo lalo na ang mga hindi nakatanggap ng ayuda dahil nawala sa listahan. Nang magsalita sa publiko si President Duterte noong isang araw, sinabi niyang imbestigahan agad ang napaulat na iregularidad sa distribusyon ng ayudang pinansyal. Marami raw siyang nabasang report na may nagrereklamo sa ayuda.

Nararapat ang imbestigasyon para malaman ang buong katotohanan at panagutin ang mga may kasalanan sa pamamahagi ng ayuda. Kawawa naman ang mamamayan na pinahihirapan pa sa katiting na ayuda.

 

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with