^

Punto Mo

Pyramiding at investment scam sa PCG

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ILANG kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lumapit sa BITAG dahil biktima sila ng “double your money investment scam”. Daanlibong piso ang naloko sa bawat investor na miyembro ng PCG. Nangyari ang scam mismo sa PCG.

Ang pinagmulan ng recruitment – mga opisyal, may ranggo. At dahil may moral authority at moral ascendency, madaling maka-recruit ng kanilang mga subordinates o tauhan sa ibaba. Etong sumbong ngayon na umabot sa BITAG, wala nang sinasanto. Ang recruitment ay nagmula sa ibaba na may garantiyang maibabalik ang pera.

Sumbong ng isang Petty Officer 3rd Class (PO3), ang kanyang kasamahang Seaman 2nd Class (SN2) ang nang-engganyo sa kanyang mag-invest sa fiancé nito.

Nagbigay pa raw ito ng garantiya na kapag hindi ibinalik ang kanyang pera, puwedeng kunin ang kanyang sasakyan. Dahil sa tiwala at magandang alok, nanghikayat pa ng ibang kasamahan si PO3. Nang magkabulilyasuhan sa bayaran, naghugas-kamay na raw si SN2. Wala naman daw sa kanya ang pera at wala siyang alam sa ginagawa ng kanyang fiancé.

Ganoon din ang istorya ng isang Lieutenant Commander na aking nakausap. Ang kanya namang senior na commander ang nag-recruit sa kanya na mag-invest.

Sa parehong tao ibinigay ng mga nagrereklamo ang pera. Sa fiancé ng SN2 na nanghikayat, nagpruweba at naggarantiya na babalik ang malaking kita sa investors.

Pero dahil umiwas na sa responsibilidad sa SN2, sinubukang iakyat ng mga nagrereklamo sa Internal Affairs Service ng PCG. Subalit tinanggihan daw silang tanggapin ang kaso dahil wala raw kinalaman sa aktibidades ng PCG ang kanilang pinasok.

Sagot rin daw ng abogado ng inirereklamong si SN2, hindi dapat maging liable ang kanyang kliyente dahil hindi pa ito kasal sa kanyang fiancé na nasa likod ng scam.

Ah ganoon? Ibig sabihin ligtas sa kalokohan si SN2? Puwede siyang manghikayat ng mga biktima at kapag nagkaaberya na ay wala siyang pananagutan?

Sigurado akong hindi rin papayag ang pamunuan ng PCG na ang kanilang organisasyon, pinasok na ng sindikato. Hindi rin babalewalain ng ahensiya ang hinaing ng mga miyembro nilang biktima ng panloloko na ito na nagmula mismo sa loob ng tanggapan.

Habang sinusulat ang kolum na ito, nakatanggap kami ng text message mula kay PCG Spokesperson Armand Balilo. Nakaabot na raw ang isyu kay Admiral George Ursabia Jr at nag-utos na imbestigahan ang reklamo. Sisiguraduhin daw ng PCG na matatanggal sa puwesto ang mga nasa likod ng pyramiding at investment scam.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with