^

Punto Mo

Laban sa COVID, tila walang, nangyayari!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kahapon mahigit na naman sa 11,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19.

Hindi lang ang mga bagong kaso ang patuloy na lumolobo, ayon nga sa OCTA triple rin ang itinaas sa bilang ng nasawi sa COVID sa loob lamang ng dalawang linggo sa Metro Manila.

Kung ngayon pa lang eh, talagang damang-dama ang hindi yata mapigilang pagtaas ng COVID cases, may pauna na sa publiko si National Task Force Against COVID-19 at vaccine czar Carlito Galvez na  asahan pa raw ang paglobo ng kaso o surge sa buwan ng Hunyo at Hulyo.

Dahil daw ito sa pagsusulputan ng iba’t ibang variants sa bansa. 

Binabantayan pa ang isang bagong variant na sinasabing hindi nade-detect ng RT-PCR test.

Bagama’t milyon na ang sinasabing nabakunahan sa bansa, masusubukan pa umano ang bisa nito sa loob pa ng anim hanggang siyam na buwan.

Iisa lang ang ipinakikita nito, hindi pa tapos ang laban sa COVID.

Pero ang tanong ng marami, higit isang taon na nang maitala ang unang kaso nito sa bansa, eh ano na raw ba ang nagawa para ito malabanan kung hanggang sa ngayon eh patuloy ang pagtaas ng bilang nang tinatamaan.

Pinuna rin nila na  mismong ang COVID TF chief pa ang nagpapauna sa  posibleng pag-alagwa pa ng kaso sa mga susunod na buwan, imbes na ang sabihin ay ang kanilang plano kung paano ito mapipigilan.

Isang mahabang bakit? Bakit daw tila walang nangyayari?

Baka kailangan na mapagbigyan na ang mga medical expert na mapangunahan ang laban sa COVID, baka may mangyari.

Ito rin mismo ang panawagan maging ng ilang opisyal ng pamahalaan.

Suhe-suhestiyon lang po, wala pong personalan.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with