^

Punto Mo

Kakaibang Eba (43)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKA naman nagugutom ka ng oras na sabi mo’y nakita ako, Piolo? Pero talagang hindi ako nagpupunta sa Ayala dahil kararating ko lang galing Sydney. Kaya naman ako narito ngayon sa lugar na ito ay dahil may bibilhin ako diyan sa bookstore,’’ sabi ni Jigo sa seryosong boses para idiin na wala siya sa Ayala Avenue.

“Naguguluhan ako Jigo. Anyway, natutuwa ako at nagkita tayo pagkaraan nang matagal na panahon. Halika kumain muna tayo at ako ang magbabayad.’’

“Ah hindi ako ang magbabayad.’’

“Halika sa food court ng mall. Makakapili tayo ng kakainin diyan.’’

“Sige, Piolo. Sabik na nga ako sa mga pagkaing Pinoy.’’

Tinungo nila ang food court. Tamang-tama dahil maraming bakantenf mesa.

Pumila sila sa stall na pawang lutong bahay ang putahe --- dinuguan, tinola, monggo, inihaw na isda at iba pa ang kinuha nila.

“Kumuha ka pa Jigo at akong bahala.’’

“Marami na ito Piolo, ha-ha-ha!’’

Nang kumakain na sila patuloy ang kuwentuhan nila.

‘‘Kumusta naman ang pa-rents mo Piolo ?’’

“Patay na si papa, Jigo. Si Mama naman ay retired na sa pagtuturo. Ako ang kasama ni Mama sa bahay. Ang mga kapatid ko nasa ibang bansa. Ikaw kumusta naman ang parents mo, Jigo?’’

“Patay na pareho. Ang mga kapatid ko nasa US, Canada at Australia. Nagbakasyon lang ako sa Sydney at ngayon lang nakabalik.’’

“May pamilya ka na Jigo?’’

“Wala pa. Ikaw Piolo?’’

“Wala rin.’’

“Parehas pala tayo, ha-ha-ha!’’

“Ang yaman mo na siguro, Jigs.’’

‘‘Ikaw nga itong tingin ko e mayaman, ha-ha-ha!’’

“Naalala ko ang kabataan natin, Jigs. Madalas tayong maglaro sa lilim ng punong balete sa school natin.’’

“Oo nga. Buhay pa kaya ang punong balete na yun?’’

“Minsan isang araw, pasyalan natin ang school na pinagtapusan natin.’’

“Sige. Nasasabik na akong makita ang school at ang balete.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with