Restaurant sa U.S., magbibigay ng 1-taon na libreng hamburger sa customer na magpapa-tattoo!
ISANG restaurant chain sa California ang mamimigay ng libreng hamburger sa loob ng isang taon sa customer nila na papayag magpalagay ng hamburger tattoo na may pangalan ng kanilang restaurant.
Nakipag-ugnayan ang Farmer Boys hamburger restaurant sa mga tattoo parlor na The Honorable Society sa West Hollywood sa California at Rockin Ink Tattoo sa Las Vegas para mag-tattoo ng logo ng kanilang restaurant sa mga customers.
Ang mga customers na tatanggap sa Farmer Boys tattoo challenge ay isang taon na makakakain nang libreng hamburger sa lahat ng kanilang branches sa buong U.S.
Ayon sa opisyal ng Farmer Boys, ang promotion na ito ay para sa 40th anniversary ng kanilang kompanya.
- Latest