^

Hamon sa FDA: Pangalanan ang ospital na gumamit ng Ivermectin!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - April 15, 2021 - 12:00am

Food and Drug Administration (FDA) Director Eric Domingo, ano ba talaga? Una, sinabi mong huwag tangkilikin ang Ivermectin dahil wala pang pag-aaral. Pero bigla na lang sinabi mo puwede na, sa pamamagitan ng compassionate use o Compassionate Special Permit (CSP)?

Anong pagkakaiba ng “compassionate use” sa “emergency use authorization?”

Ang Ivermectin ay parasitic drug. Kontra-bulate para sa mga hayop. Wala pang pag-aaral sa buong mundo na puwede itong gamitin sa tao at mabisa laban sa coronavirus. Pero pinayagan n’yo sa FDA na gamitin dito sa Pilipinas dahil sa tinatawag na compassionate use.

Ang pagkaunawa ko sa “compassionate use” ay kinakaawaan mo ang pasyente na may COVID-19 kaya ipagagamit ang gamot na ito. But, this is immoral.

Pag-eeksperimentuhan, gagawing guinea pig ang mga Pilipinong tinamaan ng virus? Eto ba ang ibig sabihin ng compassionate use? C’mon man!

Compassion ba talaga ‘to o there’s money behind compassion? O baka naman may another opportunistic SOB that’s thriving on the misery of others under the guise of being compassionate?

Lumilikot tuloy ang aking isipan na may “lobbyist” sa likod nito. Gusto n’yong ipakita na naaawa pero ang totoo nagbubunyi sa loob ang putok sa buhong lobbyist na nasa likod ng pagtutulak ng paggamit ng Ivermectin.

May kasabihan kasi, kapag may krisis, may oportunista este oportunidad. Hindi mawawala itong mga pendehong lalabas diyan at pagsasamantalahan ang miserableng sitwasyon ng mga may karamdaman ngayong pandemya.

Wala namang masama na gamitin ang Ivermectin – kung proven and tested na o sumailalim na sa medical trial na talagang ang mga case study na gumagamit ng gamot na ito ay mino-monitor ng ospital at mga dalubhasa.

Ang problema rito pati ang ospital na pinayagang gumamit ng Ivermectin, itinatago at ayaw n’yong pangalanan. This is of public interest at dapat nalalaman ito ng publiko.

Ito’y trabaho lang, walang personalan. Kung talagang walang lobbyist diyan, disclose the name of the hospital na binigyan n’yo ng CSP.  Para kasi kayong nagko-conspire sa sinasabing lobbyist.

Kahit na mismo ang pharmaceutical firm na may likha ng Ivermectin, ay nagsabing: no scientific basis for a potential therapeutic effect against COVID-19 from pre-clinical studies; no meaningful evidence for clinical activity or clinical efficacy in patients with COVID-19 disease, and; a concerning lack of safety data in the majority of studies

Ang World Health Organization (WHO) din, hindi sinang-ayunan ang paggamit ng Ivermectin na para lamang sa mga hayop bilang panggamot sa COVID-19 virus.

Mas magaling na ba tayo rito sa Pilipinas kaysa sa ibang FDA nang malalaking bansa tulad ng United States, kaysa WHO at kaysa manufacturer ng Ivermectin?

 

FOOD AND DRUG ADMINISTRATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with