^

Punto Mo

Kakaibang Eba (42)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISANG lalaki ang nakita ni Piolo – ang lalaking nakita niya sa Ayala Avenue noong nakaraang linggo!

Kinabahan si Piolo. Bakit kilala siya ng lalaki?

Hindi agad siya nakakilos. Baka modus ito? Maraming panlolokong nangyayari ngayon. Hindi siya dapat magpalansi.

“Piolo, natatatandaan mo pa ba ako?’’ tanong ng lalaki.

Pero nanatili sa kinatatayuan si Piolo. Hindi siya sumasagot. Sino kaya ang lalaking ito? Wala siyang matandaan.

“Nakalimutan mo na nga ako Piolo, ha-ha-ha! Matagal na kasi tayong hindi nagkita.’’

Nag-isip si Piolo. Parang may naaalala na siya.

“Excuse me. Sino ka nga?’’

Nagtawa ang lalaki.

“Sabi ko na nga ba at nakalimutan mo na ako. Ako si Jigo. Kaklase mo nung elementary.’’

“Jigo? Ikaw si Jigo?’’

“Oo. Naalala mo na?’’

“Oo. Ikaw si Jigo na kaklase ko mula Grade 1 hanggang Grade 6. Madalas tayong maglaro sa puno ng balite na malapit sa school.’’

“Ako nga. Puwede na akong lumapit sa’yo? Kasi parang takot na takot ka sa akin, ha-ha-ha?’’

“Kasi’y nakita kita sa Ayala noong nakaraang linggo. Ikaw yun! Pero natakot ako dahil ang akala ko holdaper ka o snatcher. Tapos bigla kang nawala. Nagmamadali akong umalis dahil sa takot.’’

Kumunot ang noo ni Jigo. Tila naguluhan.

‘‘My friend, hindi pa ako nakakapunta sa Ayala Avenue dahil kararating ko lang kamakalawa from Sydney. Baka hindi ako ang nakita mo?’’

Napamulagat si Piolo.

Ano na namang misteryo ito? (Itutuloy)

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with