^

Punto Mo

Grab driver sa Cebu, shabu pala ang idinedeliber!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAGKUNWARING Grab food delivery driver si Joven Engalan Silong para linlangin ang kapulisan sa negosyo n’yang droga sa bayan ng Cordova at ilang bahagi ng Cebu. Kaya lang may matandang kasabihan tayo mga kosa na ang masamang gawain ay may katapusan din. At ‘yun nga ang nangyari kay Silong matapos manlaban siya sa tropa ni Brig. Gen. Remus Medina, ang bagong hepe ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) noong Lunes.

Patay na nang ihatid sa malapit na ospital si Silong. Nakumpiska sa kanya ang dalawa at kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P12 milyon, isang baril at motorsiklong ginagamit niya bilang food delivery driver. Si Silong ay sumunod kaagad sa tatlong drug pushers na nadale rin sa engkuwentro ng mga tauhan ni Medina sa Pasay at Parañaque kung saan nakumpiska sa kanila ang P81 milyon na halaga ng shabu. Araguuyyyyy! Hak hak hak! Ang tiyak lang, may kasunod pa ang trabahong ito, di ba Gen. Medina Sir? Mismooooo!

Halos dalawang buwan ding sa tingin ni Silong ay napaglalangan niya ang kapulisan sa Cebu dahil wala namang sumisita sa kanya habang hayagang umiikot sa probinsiya para magdeliber ng shabu. Hamakin mo sa loob ng dalawang linggo, nakapagdeliber si Silong ng 10 kilo ng shabu sa kanyang mga parukyano. Kaya sa sobrang laki ng kita niya, aba may magandang pangarap din si Silong para sa kanya at kanyang pamilya. Subalit ang hindi alam ni Silong ay minamanmanan na ang ilegal niyang negosyo ng mga tauhan ni Gen. Medina. Araguuyyyyy!

Walang kamuhang-muhang si Silong na bilang na ang oras niya sa mundong ibabaw, ‘no mga kosa? Mismooooo!

Kasama ang Cebu provincial intelligence unit, Drug Enforcement Unit, at Municipal DEU ng Cordova, ikinasa ng tropa ni Medina ang isang drug sting sa Bgy. Catarman, Cordova noong bandang 1:25 a.m. noong Lunes. Habang nag-aabutan ng epektos, biglang bumunot ng baril si Silong matapos matantiya na pulis ang kausap niya. Siyempre, hindi na nakaporma si Silong at duguan nang isugod sa ospital. Wazzaakkkk!

Sinabi ni Medina na kinukuha ni Silong ang drug supply niya mula sa drug lord na si Joel Paca na nakakulong sa New Bilibid Prisons (NBP) at Allen Ramos alyas Balo Ermita na nasa Cebu City Jail naman. Idinagdag pa ni Medina na tinatawagan nina Paca at Ramos sa celfone si Silong kung paano niya tatanggapin at idedeliber ang epektos sa mga suki nila. Binabayaran ng dalawang drug pushers ng P30,000 kada linggo si Silong sa trabaho n’ya.

Siyempre, dahil sa panahon ng pandemya at walang trabahong mahanap, kinagat ni Silong ang pitsa sa akalang maiaahon niya sa kahirapan ang pamilya. ‘Yun ang malaking pagkakamali ni Silong. Sana wala nang magkamali tulad ni Silong na isinugal ang buhay para lang mamuhay ng marangya dahil tiyak sa sementeryo ang bagsak. Get’s n’yo mga kosa? Abangan!

vuukle comment

GRAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with