^

Punto Mo

10 world leaders na abusado sa kanilang staff (Last part)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Abraham Lincoln, 16th President ng United States:

Tinatawag niyang  “nigger” ang kanyang staffs na Black. Noon hanggang ngayon, ito ay seryosong pang-iinsultong tawag sa black Americans.

Saparmurat Niyazov, President of Turkmenistan mula 1985 hanggang 2006:

Kung hindi pa siya namatay, wala siyang balak na umalis sa puwesto dahil gusto niyang maging “ President for Life”. May libro siyang sinulat na “gandang-ganda” siya kaya ginawa niyang requirement sa sinumang nais magtrabaho sa kanyang gobyerno na i-memorize ang bawat salitang nakapaloob sa nabanggit na libro. Sa sobrang kabaliwan, pinilit niyang magpatayo ng ice palace sa gitna ng disyerto para matuto raw mag-ski ang mga kabataan. Ipinagpatuloy ng sumunod na Presidente ang proyekto noong 2009 at natapos ito noong 2011.

King Frederick William I of Prussia, 1713 hanggang 1740:

May toy pistol siya na ang bala ay malalaking piraso ng asin. Para siyang batang bigla na lang mamamaril hindi lang sa kanyang mga utusan sa palasyo kundi sa mga taong magustuhan niyang barilin. Ang asin na bala ay  nag-iiwan ng mahapding latay sa balat.

Anna I, Empress of Russia, 1730 hanggang 1740:

Ginagamit niya ang mga utusan sa palasyo para siya malibang. Kumukuha siya ng mga tao para mag-wrestling. Pinipilit niya ang mga babae at lalaking utusan na magpakasal kahit hindi nagkakagustuhan at inaabangan niya ang magiging resulta ng kanilang love story. Gumagawa siya ng kahalintulad na “reality show”. Bukod sa ginagawa niyang libangan ang mga tao, nagpapakawala rin siya ng mga hayop sa palasyo para pagpraktisan sa kanyang pamamaril.

Christian VII ng Denmark, 1766 hanggang 1808:

May senyales na ng pagkabaliw simula pa sa pagkabata at bitbit pa rin niya ito hanggang maging hari. Sa walang kadahilanan, basta na lang siya mananampal ng kahit sino—utusan man ng palasyo o kahit kanyang mga advisors. Nakakasiya ng kanyang kalooban ang pagsampal sa mukha nang may mukha. Isa pang malala niyang libangan ay pagma-masturbate kahit saan, kahit kailan.

vuukle comment

ABRAHAM LINCOLN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with