^
EDITORYAL - Paano kapag MECQ?

EDITORYAL - Paano kapag MECQ?

(Pang-masa) - April 12, 2021 - 12:00am

MULA ngayong araw na ito (Abril 12) , isasailalim na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na tatagal hanggang Abril 30. Bukod sa mga nabanggit na lugar, isasailalim din sa MECQ ang Santiago City sa Quirino province at Abra.

Walang gaanong sinabi si Presidential Spokeperson Harry Roque sa pagkakaiba ng enhanced community quarantine (ECQ) na dating nakapailalim ang NCR plus Bubble sa MECQ. Ipapaliwanag daw ito ngayong araw na ito ni President Duterte na nakatakdang magsalita sa telebisyon. Ang pagsasailalim ng Metro Manila at iba pang lalawigam sa MECQ ay dahil sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force.

Ayon kay Roque, sa ilalim ng MECQ, ang mga qua-rantine at health facilities sa Metro Manila ay kinakaila-ngang madagdagan. Sa kasalukuyan, full capacity na ang mga ospital sa Metro Manila dahil sa dami ng pasyenteng infected. Pagtututulung-tulungan umano itong gawin sa pagtutulungan ng Department of Education, Metropolitan Manila Development Authority, Department of Public Works and Highways, at Department of Health.

Kinakailangan din umanong madagdagan ang hospital beds at ganundin ang mga isolation facilities. Kinakailangang ma-decongest ang mga hospital at tanging mga pasyente lamang na may mga malulubhang karamdaman ang ia-admit. Ang mga mild cases ay irerekomendang sa bahay na lamang i-isolate.

Sa ilalim din ng MECQ, nararapat nang ma-implement ang malawakang vaccination sa NCR plus lalo sa mga lugar na mataas ang panganib ng COVID. Ipaprayoridad umano ang nasa Groups A2 and A3.

Patuloy pa ang pagdami ng COVID cases sa kabila na isang linggong nasa ECQ ang Metro Manila at apat na lalawigan. Kahapon, naitala ang 11,681 bagong kaso. Sa kabuuan, 864,868 na ang COVID cases sa bansa.

Kung nasa MGCQ na ang Metro Manila at iba pang lugar, patuloy pa rin kaya ang curfew at ang liquor ban? Siguro dapat pa ring ituloy ang liquor ban pero iklian ang curfew para naman bahagyang gumalaw ang negosyo. Higpitan lamang ang mga matataong lugar para matiyak na sinusunod ang health protocol. Kapag nagluwag, baka lalo pang dumami ang kaso. Nararapat na sumunod ang mamamayan para lubusang bumaba ang kaso ng COVID.

 

MECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with