^

‘Di lang hospitals, crematorium apektado na rin!

RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - April 12, 2021 - 12:00am

Hindi lang pala mga pagamutan ang sinasabing umaapaw at puno na ng mga pasyente.

Ilang crematorium din sa Metro Manila ang nagsabing pila na rin ang mga bangkay.

Bagama’t hindi naman sinasabi na lahat ng ito ay dahil sa COVID pero karamihan ito umano ang naging sanhi ng pagkamatay.

Maging ang ilang dealer ng medical products nagsabi na rin na kinukulang na sila sa supply ng oxygen tank.

Sa kabila nang lahat ng ito, simula ngayong araw inilagay na ang NCR Plus sa modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang sa Abril 30.

Ito ay sa kabila nga nang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID.

Marahil tinimbang ni Pangulong Digong ang sitwasyon na kailangan na rin mabuksan ang ekonomiya.

Hindi na rin kakayanin pa ng gobyerno ang patuloy na pagkakaloob ng ayuda kung magtatagal ang ECQ.

Ibat-ibang pamamaraan na ang ginagawa para maibsan ang hawaan sa virus, pero mukhang hindi naaampat ang pagdami.

Kung bahagyang niluwagan ang quarantine status sa NCR na tinuturing na epicenter ng COVID sa bansa, ang nakakatakot lang dito baka hindi na tuluyang mapigilan ang surge.

Ganito rin ang pangamba ng mga health expert na nasabing hindi pa handa ang healthcare system sa mas maluwag na qurantine level.

Ito ang ating aantabayanan sa mga susunod na araw na sana nga kahit bahagya eh maramdanan na ang pagbaba.

Tulong na rin ng publiko ang panawagan ng mga kinauukulan para tuluyan itong malabanan, sana wag nang maging pasaway dahil sa huli tayo ring lahat ang mahihirapan.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with