^

PDEG chief Gen. Medina, nagpakitang-gilas!

SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - April 12, 2021 - 12:00am

NAGPAKITANG-GILAS kaagad ang bagong hepe ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) na si Brig. Gen. Remus Medina. Halos limang araw pa lang nakaupo sa PDEG si Medina subalit naka-score kaagad ng tatlong bigtime drug pushers matapos manlaban sa magkahiwalay na drug stings sa Parañaque City at Pasay City.

Nakumpiska sa mga napaslang na Muslims ang halos 12 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P81 milyon. Hindi inalintana ng tropa ni Medina ang tumataas ng kaso ng COVID-19 sa NCR Plus at tinrabaho ang sindikato ng droga na nakabase sa Maguindanaoan at naging matagumpay naman sila.

Hindi nagkamali si PNP chief Gen. Debold Sinas sa pagtalaga kay Medina bilang bagong PDEG chief para isulong ang kampanya ni President Digong para supilin ang droga sa bansa, di ba mga kosa? Mismoooooo! Hak hak hak! Hindi tatantanan ni Medina itong mga drug syndicates hanggang malipol sila kahit saang bahagi man ng bansa. Hehehe! Weder-weder lang ‘yan!

Hindi naman nag-aksaya ng panahon si Medina at nagtrabaho kaagad sa pag-upo niya sa PDEG noong Lunes at nag-test buy ng 50 gramo ng shabu sa suspect na si alyas Richard. Mautak din itong si Richard at pina-deposit ang kabayaran sa shabu na P60,000 sa isang bangko.

Sunud-sunod pa ang transaction ni Medina kay Richard hanggang mag-deposit ito ng P300,000. Pumayag si Richard na ideliber ang shabu sa West Service Road sa Bgy. Sun Valley, Paranaque City ng bandang 11:45 p.m. noong Sabado. Matapos, iabot ang isang kilo ng shabu kapalit ng P1.5 milyon boodle money, bumunot ng baril at nakipag-barilan si Richard sa tropa ng PDEG at NCRPO na pinangungunahan mismo ni Medina.

Sapol si Richard Abusama. Nakumpiska pa sa loob ng gray Mirage Hatchback  (AAO 2256) ni Abusama ang apat na kilo ng shabu at isang baril. Araguuyyyy! Mautak man ay napaglalangan din si Abusama.

Nagsagawa kaagad ng follow-up operations ang tropa ni Medina sa kalapit na Merville, along C-5 Extension sa Bgy, 201 Pasay City at naitumba sina Sekan Unotan, alyas Rey, at Zuharto Sanday, alyas Domeng matapos manlaban sa isang drug sting sangkot ang isang kilo ng shabu mga bandang 3:10 ng umaga kahapon.

Nakumpiska kina Unotan at Zuharto ang dalawang baril at P1.5 boodle money. Nakuha din sa loob ng brown Adventure (NCV 3593) ang anim pang kilo ng shabu. Araguuyyyy! Hak hak hak! Malaking shipment ng shabu din itong nawala sa kalye dahil sa magkahiwalay na operations ng tropa ni Medina.

Sinabi ni Sinas na ang mga nakumpiskang shabu ay nakabalot sa tea bags na may Chinese characters. Ang mga suspects ang nasa likod ng pagpalaganap ng shabu sa Metro Manila at karatig na lugar at kinukuha nila ang kanilang supply sa Chinese nationals sa abroad, ani Sinas.

Inaalam pa ng tropa ng PDEG kung paano naipuslit ng grupo ang shabu supply nila sa bansa. Pinuri ni Sinas si Medina at ang tropa nito na patuloy lang ang trabaho vs droga kahit tumataas ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID. Mabuhay si Medina! Abangan!

REMUS MEDINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with