^

10 world leaders na abusado sa kanilang staff

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - April 12, 2021 - 12:00am

Winston Churchill: Prime Minister of the United Kingdom mula 1940 hanggang 1945, sa panahon ng Second World War, at sa ikatlong pagkakataon mula 1951 hanggang 1955.

Humaharap siya sa kanyang office staff  na bagong paligo at hubad habang nagdidikta ng notes na dapat nilang makinilyahin. Parang walang anuman itong paikot-ikot sa kanyang opisina habang ang kawawang empleyado ay hindi mapakali sa kanilang sitwasyon kahit pa ito ay male staff.

Herbert Hoover: 31st President of the United States mula 1929 hanggang 1933.

Habang nakatira ang Hoover family sa White House, ang number one rule sa mga household staff ay maging “invisible”  kapag ang pamilya ng Presidente ay nasa paligid ng White House. Kapag naririnig na nila ang yabag lalo na ng Presidente at First Lady na patungo sa kanilang kinaroroonan, kailangang magtago na sila sa kahit saang sulok ng White House. Hindi dapat makita ng pamilya ang presensiya ng mga muchacha. Ito ang nagpapahirap sa kalagayan ng household staff dahil may pagkakataong wala silang mapagtaguan kaya kailangang simbilis ng kidlat ang pagtakbo nila palayo para maging “invisible”.

John F. Kennedy: 35th President of the United States mula 1961 hanggang sa assassination niya noong 1963.

Siya ang pinakaunang “celebrity politician” dahil minahal siya ng masa. Ngunit sa kabila ng popularidad, may itinatago itong “dark side”, ang pagiging sobrang babaero. Nabanggit niya sa isang kaibigan na sumasakit ang ulo niya kapag hindi siya nakipag-sex sa loob ng isang araw. Kaya’t para hindi sumakit ang ulo, may sex dapat siya araw-araw.

Bunga nito, ang mga may hitsurang female office staff sa White House, iyon man ay sarili niyang staff o staff ng kanyang misis na si Jackie, tiyak na 100 percent na magdaraan ang mga iyon sa “kuko ng mandaragit” na presidente.

Ang mga bagay na ito ay buong ingat na ginagawan ng paraan ng kanyang mga bodyguards na huwag mabulgar. Sila rin ang “umaayos” sa mga staff na nakatikiman ng presidente upang walang magreklamo. (Itutuloy)

UNITED KINGDOM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with