^

Kakaibang Eba (39)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - April 12, 2021 - 12:00am

NAG-IISIP si Piolo habang nasa mismong spot na kinakitaan kina Maria Celia at Mariz nang mapansin niya ang isang lalaki na nakatingin sa kanya.

Hindi siya nagpahalata sa lalaki. Binawi niya ang pagkakatingin dito at bumaling sa gawing kanan niya.

Nang muli niyang tingnan ang lalaki ay nakatingin na naman sa kanya. Naghihinala na si Piolo. Baka kaya holdaper ang lalaki o mandurukot at naghihintay lamang ng pagkakataon para makapambiktima.

Pero maayos naman ang suot ng lalaki. Naka-checkered na polo at itim na pantalon. Sabagay, ang mga holdaper at mandurukot ay hindi naman nagsusuot ng gula-gulanit na damit.

Kailangang maging alerto siya, naisip ni Piolo. Naisip din naman ni Piolo na baka naman hindi siya ang tinitingnan ng lalaki. Baka meron itong hinihintay at sa direksiyon lamang niya nakatingin.

Binawi ni Piolo ang pagkakatingin sa lalaki at lumingon siya sa likod para malaman kung doon nakatingin ang lalaki.

Pero nang tumingin siya sa likod, wala namang tao na maaaring hinihintay ang lalaki.

Kaya maaaring siya nga ang tinitingnan nito.

Bigla siyang lumingon sa kinaroroonan ng lalaki. Wala na ito roon! Hinanap niya ang lalaki. Wala na! Wala rin siyang nakitang naglalakad.

Napakabilis namang nawala ng lalaki.

Kinabahan si Piolo. Baka nasa paligid lang ang lalaki at naghihintay ng pagkakataon para siya holdapin o dukutan.

Ipinasya ni Piolo na umalis na. Kumakagat na ang dilim.

Sumabay siya sa dalawang lalaking naglalakad. Mabuti nang may kasabay para may mahingian ng tulong.

Habang naglalakad ay nakikiramdam si Piolo. Baka nasundan siya. Binilisan niya ang paglalakad. Malapit na siya sa sakayan ng dyipni. Dasal niya na may dumating na sanang dyipni. O kaya’y taksi para makasakay agad siya.

Nararamdaman ni Piolo na may sumusunod sa kanya.

Pinipilit niyang huwag lumingon.

Nang makarating siya sa sakayan ng dyipni, mayroon siyang nakitang paparatng na dyipni. Sana may bakante pa para makasakay agad siya.

(Itutuloy)

KAKAIBANG EBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with