^
EDITORYAL - Pekeng swab tests

EDITORYAL - Pekeng swab tests

(Pang-masa) - April 11, 2021 - 12:00am

PINAGKAKAPERAHAN ang pekeng swab tests sa kasalukuyan. Kung noon ay mga pekeng diploma, driver’s license at titulo ng lupa na ginagawa sa Recto Avenue, ngayon ay mga pekeng swab tests sa COVID-19 ang namamayani. Bawat pekeng swab test ay nagkakahalaga ng P1,000. Mas mahal ito kumpara sa mga pekeng diploma at lisensiya na P300 lang mabibili. Karamihan sa mga kumukuha ng pekeng swab tests ay mga uuwi sa probinsiya. Requirements ang swab tests para makauwi sa probinsiya. Ito ay para masiguro na walang COVID ang mga papasok sa probinsiya. Kailangang ma-monitor ang mga taong magbabakasyon at matiyak na walang dalang virus. Paraan ito para hindi kumalat ang COVID sa mga pupuntahang lugar.

Pero sa halip na lumiit ang bilang ng COVID cases sa bansa, lalo pang lumobo. Maisisisi ang pagdami ng COVID sa paglaganap ng mga pekeng swab tests. Maraming umuuwi sa probinsiya ang mga positibo sa virus at sila nagkakalat ng sakit. Dahil sa pekeng swab tests malaya silang nakakalusot. Mula sa Maynila, dadalhin nila ang virus sa probinsiya at magpa-palipat-lipat na. Wala nang katapusang problema.

Noong isang araw, 15 katao ang na-intercept sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na pawang may mga hawak na pekeng swab tests. Patungo sa probinsiya ang mga tao nang mabuking na peke ang resulta ng swab na ipinakita. Sabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana, dumami ang mga nagtutungo sa probinsiya na pawang peke ang swab results. Nagsimula ang pagdami ng mga individuals na nagtutungo sa probinsiya mula nang isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila. Ayon kay Usana, ang 15 nahuli ay mapaparusahan nang pagkakabilanggo ng anim na buwan at multa na P50,000.

Kamakailan lang, isang lalaki at babae ang nahuli ng mga pulis sa Maynila na gumagawa ng mga pekeng swab test results. Ang mga parukyano ng dalawang suspek ay mga Badjaos na uuwi ng probinsiya at kailangan ang swab tests. Bawat resulta ng swab tests ay nagkakahalaga ng P1,000. Nakuha ng mga pulis sa suspects ang may 100 papel na kinasusulatan ng pekeng swab tests.
Paigtingin ng PNP ang pagdakma sa sindikatong pumepeke ng swab tests. Nararapat mahuli ang mga ito upang hindi na dumami pa ang kaso ng COVID-19. Parusahan nang mabigat ang mga ito para hindi pamarisan.

Bigyang babala rin ang sinumang kukuha ng pekeng swab tests para lamang makauwi sa probinsiya ay mahaharap sa mabigat na kaso. Huwag bigyang daan ang mga sindikato. Isuplong sila.


 

 

SWAB TEST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with