^

Kakaibang Eba (38)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - April 11, 2021 - 12:00am

ISANG araw, nagpasya si Piolo na magpunta uli sa Ayala Avenue kung saan niya nakita sina Maria Celia at Mariz na pawang itinatanggi naman ng dalawang babae. Gusto lang makita ni Piolo ang eksaktong lugar kung saan niya nakita ang dalawa.

Gusto rin niyang patunayan na walang engkanto na “nag­laro” sa kanya sa lugar na iyon.

Hindi siya nagdala ng sasakyan ng araw na iyon para walang sagabal sa mga gagawin niyang pag-inspeksiyon. Kahit gabihin siya sa Ayala Avenue ay okey lang basta’t mayroon siyang makukuhang ebidensiya at mapapatuna-yang walang “naglalaro” sa kanyang ibang nilalang.

Pagpasok niya ng bakuran ng opisina ay nakasabay na naman niya ang kaopisinang lalaki na lagi siyang binibiro kapag walang dalang sasakyan.

“Wala ka na namang dalang sasakyan, Bro?’’ tanong nito.

“Wala. Pahinga muna.’’
‘‘Kumuha ka na kasi ng drayber.’’

‘‘Ayaw kong may drayber. Istorbo lang.’’

Nagtawa ang kasamahan niya.

“Ah oo nga istorbo kapag may kasama kang tsik. Hindi mo maoopera nang ayos, ha-ha-ha!’’

“Loko ka talaga Bro.”

“Kilala kita, Bro. Malikot ang aparato mo, ha-ha-ha!’’

“Hindi na ngayon, Bro. Nagbago na ako.’’

“Weee hindi nga?’’

“Totoo nagbago na ako. Wala na akong binobola.’’

“Aba himala. Sana nga totoo.’’

“Totoo, Bro.’’

Hindi makapaniwala   ang kasamahan niya. Nakatingin na nagtataka.

Kinahapunan, pagpatak ng alas singko nagmamadali na si Piolo sa pagpunta sa Ayala Avenue.

Eksaktong 5:13 siya dumating. Sa mismong spot kung saan nakita sina Maria Celia at Mariz siya tumayo.

Pinagmasdan niya ang paligid.

May engkanto nga kaya rito?

Hanggang napansin ni Piolo ang isang lalaki sa di-kalayuan. Nakatingin sa kanya. (Itutuloy)

KAKAIBANG EBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with