^

90-anyos na haponesa, tinanghal ng Guinness na pinakamatandang office manager sa mundo!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - April 11, 2021 - 12:00am

ISANG 90-year old na Haponesa na patuloy na nagtatrabaho sa isang kompanya simula pa noong 1956 ang nakatanggap ng Guinness World Record bilang World’s Oldest Office Manager.

Dalawampu’t anim na taong gulang si Yasuko Tamaki nang magsimulang maging empleyado ng Sunco Industries, isang construction supplies company sa Tokyo, Japan.

Ngayong 90 years old na siya, limang araw sa isang linggo at pitong oras sa isang araw pa rin siya nagtatrabaho sa opisina.

Ayon kay Tamaki, naantig ang kanyang damdamin nang matanggap niya ang certificate mula sa Guinness.

Hindi niya kasi inaasahan na mabibigyan siya ng ganitong klaseng parangal dahil ang makapagtrabaho nang mahigit 65 taon sa kumpanya tulad ng Sunco Industries ay isang kara-ngalan na para sa kanya.

Sa Mayo ay idadaos ang 91st birthday ni Tamaki at hindi sumasagi sa kanyang isipan na magretiro.

GUINNESS WORLD RECORD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with