^

Kakaibang Eba (37)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - April 10, 2021 - 12:00am

“PERO sino sa dalawang babae ang pinaniniwalaan mong nagsasabi ng totoo. Yung sa palagay mo e hindi talaga nakakapunta sa Ayala Avenue?’’ tanong ng mama ni Piolo.

“Mas naniniwala ako sa babaing nurse sa Saudi – si Maria Celia.’’

“Bakit naman?’’

“Kasi mayroon siyang ipakikitang photos sa akin na katunayan na nasa Saudi siya nang araw na makita ko siya sa Ayala. Mayroon siyang picture na may date pa pa.’’

“Paano mo naman nasiguro na kuha nga yun ng araw na makita mo siya?’’

Hindi agad nakasagot si Piolo. Inisip niya ang sinabi ng kanyang mama.

“Sa palagay ko Ma ay nagsasabi ng totoo si Maria Celia. Talagang nasa Saudi siya. At saka wala sa mukha ni Maria Celia na nagsisinungaling.’’

‘‘No! Hindi ka dapat nagtitiwala agad dahil sa itsura ng tao. That’s unfair Piolo.’’

Napatango na lang si Piolo.

“E yung isang babae, sa palagay mo siya ang nagsisinungaling?’’

“Opo ‘Ma. Palagay ko si Mariz ang nagsisi­nungaling. Hindi ako ma­aaring magkamali dahil kabisado ko ang paglalakad niya at pati kilos ng mga kamay.’’

Nakatingin lang kay Piolo ang mama niya. Pinag-aaralan nito ang bawat sabihin ni Piolo.

‘‘Ilang beses mong nakita si Mariz?’’

“Mga tatlong beses Ma. At sa kabila niyon tumatanggi siya. Grabeng tanggi.’’

‘‘At ayaw mong paniwalaan ?’’

“Yes Ma.’’

“Bigyan mo ng pagkakataon, Piolo. Malay mo naengkanto ka nga lang. Hindi pala si Mariz yun kundi kamukha lang.’’

Nagtawa si Piolo.

“Kaliwete si Mariz, ‘Ma. Sigutado ako, siya ang nakitya ko sa Ayala.’’

“Bigyan mo ng tsansa.’’

“Hindi na ‘Ma.’’

Napailing-iling ang mama ni Piolo.

Maski nang nasa sasakyan na si Piolo ay mga sinabi pa rin ng mama niya ang kanyang iniisip.

Naguguluhan pa rin siya. (Itutuloy)

 

KAKAIBANG EBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with