^
EDITORYAL - Mabigat na parusa sa curfew violator

EDITORYAL - Mabigat na parusa sa curfew violator

(Pang-masa) - April 9, 2021 - 12:00am

ISANDAANG pumping exercises. Ito ang ipina-gawa ng dalawang pulis sa General Trias, Cavite bilang parusa kay Darren Penaredondo makaraang lumabag sa curfew noong Abril 1 pasado alas sais ng gabi. Bukod kay Darren, pitong iba pang curfew violators ang pinarusahan ng mga pulis na gumawa ng 100 pumping exercises. Kinabukasan, Abril 2, pinalaya si Darren at iba pang curfew violators. Abril 3 ng gabi, namatay si Darren.

Sinisisi ng pamilya ni Darren ang mga pulis na nagparusa rito nang mabigat na physical exercises. Ayon sa live-in patner ni Darren, na-stroke umano si Darren ilang buwan na ang nakararaan at hindi nito nakayanan ang mabigat na parusa na binigay ng mga pulis. Ayon pa sa ka-live-in, napansin umano ng mga kapwa curfew violators na hirap na hirap si Darren makaraan ang pumping exercises. Maski raw sa pag-upo sa bangko ay hindi nito makaya. Magsasampa umano sila ng kaso sa mga pulis na nagparusa kay Darren.

Bibili lang daw ng tubig si Darren nang mahuli ng mga barangay tanod dahil curfew na. Wala rin daw face mask si Darren. Lahat ng curfew violators kasama si Darren ay ipinasa sa mga pulis at dinala sa presinto kung saan pinarusahan ang mga ito.

Sinibak na ang police chief ng General Trias na si Lt. Col. Marlo Solero at dalawang tauhan na sina Corporals Jerome Vibar at Kenneth Mercene dahil sa pangyayari. Sabi ng tagapagsalita ng PNP, hindi masama ang physical exercises pero hindi ito nababagay sa taong may medical history.

Masyadong mabigat ang parusang binigay sa curfew violators. Dapat pangaralan muna ang mga lalabag at hindi pagagawin agad ng 100 pumping exer­cises na hindi muna inuusisa kung ano ang medical history ng mga lumabag sa curfew. Maging aral na sana ito sa miyembro ng PNP na ura-uradang nag-i-imposed ng parusa. Maibabalik pa ba ang buhay kapag nangyari na? Dapat sinisibak ang mga pulis na mangmang sa batas.

CURFEW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with