^

Bagong MWSS-Manila Water agreement, pabor sa mga Pinoy!

SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - April 9, 2021 - 12:00am

ANG interes ng mga kustomer at ang gobyerno ng Pinas ang pinoprotektahan ng inamendiyahang kasunduan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System at Manila Water Co. Inc., ayon kay MWSS Board Chairman at acting Administrator Reynaldo V. Velasco. Iginiit ni Velasco na sa bagong kasunduan, walang pananagutan ang gobyerno sa gastusin ng Manila Water na sa labas ng kontrol nito. ‘Ika nga, win-win situation ang mga Pinoy sa bagong kasunduan alinsunod sa kagustuhan ni President Digong, ani Velasco.

Sa totoo lang, ang interes ng mga kustomer ang nasa isipan ng gobyerno ni President Digong nang maupo si Velasco at ang Manila Water para palawigin pa ang serbisyo ng huli sa loob ng 25 pang taon. Si Velasco, bilang MWSS Board Chairman at acting Administrator, ang kumatawan sa gobyerno nang pirmahan ang kasunduan na magpalawig ng serbisyo ang Manila Water hanggang Hulyo 31, 2037.

Siyempre, malaking papel din ang ginampanan ng mga opisyales ng Office of the Executive Secretary, Department of Finance, Department of Justice, Office of the Solicitor General, OGCC at iba pa para maplantsa ang kasunduan. Hak hak hak! Mukhang walang aberya ang revised concession agreement ng MWSS at Manila Water dahil walang nag-iingay laban dito, di ba mga kosa?

Ilan sa mga isinulong ni Velasco at ang government panel para protektahan ang mga kustomer ng Manila Water ay ang corporate tax at hindi sisingilin sa mga Pinoy; ang tariff freeze hanggang Disyembre 31, 2022; ang tariff adjustment for inflation kung saan 2/3s ng consumer price index di gaya sa unang kasunduan kung saan may 100 percent inlationary impact at pag-alis ng foreign currency differential adjustment na magresulta ng mas mababang tariff increases at higit sa lahat ang pagdepensa nito sa posibleng pagtaas ng tariff dahil sa pagtaas ng foreign currencies.

Sa kanilang disclosure, umamin ang Manila Water na ang tariff freeze hanggang Disyembre 31 ay nakalinya sa programa ng gobyerno para tulungan ang mga mahihirap at ayudahan ang pag-angat ng ekonomiya habang nananalasa ang COVID-19. “The contract is both advantageous to the Government, a big win for the Filipino people and the consuming public and that it is commercially and economically viable to the investors and concessionaire,” ang giit pa ni Velasco. Mismooooo!

Ayon kay Velasco, ang modelo ng kontrata ay ang New Clark City joint venture ng BCDA sa assistance at advise ng Asian Development Bank. Para protektahan ang gobyerno ang ikinasa na provisions ay ang pagbura ng government’s non-interference clause, at iba pang provisions na nagkumpormiso sa medium at long term government liabilities.

Nakasaad din na makikialam ang gobyerno sa pagkakautang ng Manila Water sa hinaharap; ang pag-review at pag-approve ng regulatory office sa gastusin at utang nito; ang mga narekuber na assets ay dagliang i-transfer sa kustodiya ng gobyerno para walang mangyayaring double payment sa pagtatapos ng kontrata, at ang Material Government Adverse Action (MAGA) ay limitado lamang sa actions ng Ehekutibo para ang national gov’t ay walang pananagutan sa hindi nito kontrolado na sitwasyon. Abangan!

MWSS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with