^

Kakaibang Eba (36)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - April 9, 2021 - 12:00am

HINDI mapakali si Piolo. Kahit na naniniwala siyang nagsisinu-ngaling si Mariz, nagtatalo pa rin ang kalooban niya. Baka nga hindi si Mariz ang nakita niya sa Ayala Avenue? Baka kamukha lang? Ang mukha ni Mariz ay maraming katulad, gaya rin ng features ng mukha ni Maria Celia.

Litung-lito si Piolo. Paano kung nagsasabi ng totoo si Mariz at saka bigla niyang iiwan, unfair naman siya. Kawawa naman si Mariz.

Sunud-sunod na napabuntunghininga si Piolo.

Ano itong nangyayari sa kanya?

Sino ang nagsasabi ng totoo?

At kapag ganitong litung-lito at tuliro siya, wala siyang ibang sinasangguni kundi ang kanyang mama. Mahusay kasing magbigay ng opinyon ang kanyang mama na retiradong propesor sa unibersidad.

Lahat ng mga payo o opinyon ng kanyang ina ay nagbibigay sa kanya ng kaluwagan ng loob. Ibang magpayo ang kanyang mama. Nag-iisip talaga ito bago magbigay ng opinyon o payo.

“’Ma, totoo bang may engkanto?’’ tanong niya rito isang umaga na papasok na siya sa opis.

“O ano naman at engkanto ang naisipan mong itanong, Piolo?’’

“Basta sagutin mo ako ‘Ma. May engkanto ba?’’

Napangiti muna ang kanyang mama bago sumagot.

“Meron.’’

Patda si Piolo.

“May engkanto talaga, ‘Ma?’’

“Oo. Bakit mo naman naitanong kung may engkanto?’’

“Natatandaan mo ang ikinuwento kong babae na nakita sa Ayala Avenue pero tinanggi na hindi siya yun?’’

“Oo. Yung babae na sinabi mong nurse sa Saudi Arabia.’’

“Yes ‘Ma.’’

“Ano ang tungkol dun sa babae at bakit nabanggit ang engkanto?’’

“Kasi yung isa kong da-ting karelasyon, e nakita ko rin sa Ayala Avenue na may kasamang ibang lalaki – maraming beses na pero tinanggi niya na siya ‘yun. Hindi raw siya nagpupunta sa Ayala at wala raw siyang kasamang lalaki.’’

Napatingin sa kanya nang makahulugan ang mama niya. Pinag-aaralan ang mga sinabi niya.

“Mukhang kakaiba ang kuwento mo, Piolo.’’

“Oo nga ‘Ma. Natutuliro na ako.’’

(Itutuloy)

KAKAIBANG EBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with