^

Dambuhalang bayawak, ginambala ang convenience store sa Thailand!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - April 9, 2021 - 12:00am

ISANG branch ng kilalang 24-hour convenience store sa Bangkok, Thailand ang nag-viral sa Thai netizens noong April 7, 2021 matapos makunan ng video at litrato ang pagbisita ng isang napakalaking bayawak!

Nakuhanan ng video at litrato ng customer na si Jejene Narumpa ang akmang pagpasok ng bayawak sa refrigerator at panggugulo nito sa mga paninda ng convenience store.

Nakunan din sa video ang sigawan at pagkakagulo ng mga natakot na customer at mga empleyado.

May haka-haka ang mga empleyado ng convenience store kung bakit pumasok sa kanilang tindahan ang bayawak. Ito raw ay marahil sa matinding init ng panahon ngayon sa Bangkok at gusto nitong magpalamig sa loob ng refrigerator.

Sa kasalukuyan, hindi pa malinaw kung paano naalis sa convenience store ang dambuhalang bayawak.

THAILAND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with