^

Isang lugar sa Japan, ipinagbabawal ang paglalakad sa escalator!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - April 8, 2021 - 12:00am

NAG-ANUNSIYO ang Saitama prefecture sa Japan na pinagbabawalan na ang kanilang mga residente na maglakad habang nakasakay sa escalator!

Ipinatupad ng Saitama prefectural assembly ang ordinansa na dapat ay humimpil lamang sa pagkakatayo ang mga taong nakasakay sa escalator.

Sisimulan sa Oktubre 1, 2021 ang kautusan na ito at inaasahan na ang mga escalator operators sa Saitama na maglagay na ng mga karatula upang masanay na ang mga residente sa bagong panukala.

Ang kadahilanan ng pagpapatupad nito ay dahil sa report ng Japan Elevator Association na mahigit 800 aksidente na may kinalaman sa paglalakad sa escalator ang naitala mula Enero 2018 hanggang Disyembre 2019.

 

JAPAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with