^

Punto Mo

‘Manggugulang’ sa ayuda, bantayan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nasa kamay ng ilang local governments units (LGUs) ang ayuda mula sa nasyunal na pamahalaan, nangangahulugan ito na aarangkada na simula ngayon ang pagbibigay nito.

Nasa 90 percent na ng LGUs ang nakatanggap na ng pondo.

Kumporme na rin sa kanila kung ano ang kanilang napi-ling pamamaraan kung cash ba o in kind.

Nasa P22.9 billion ang inilaan ng pamahalaan para sa assistance program sa mga maaapek­tuhan ng pinaiiral na  enhanced community quarantine sa NCR Plus bubble.

Bagama’t hindi kalakihan ang maipagkakaloob sa mga pamilyang naapektuhan ng panibagong ECQ, malaking tulong na rin ito na dapat ay maayos at agad na maiparating sa mga kinauukulan.

Inaasahan ng ating mga kababayan, na walang magiging bulilyaso sa pamamahagi, kagaya noong isang taon kung saan maraming mga opisyal ang nakasuhan dahil sa anomalya sa pamamahagi ng ayuda.

Kabilang umano sa mga makakatanggap ng ayuda ay ang mga benepisyaryo ng social amelioration program (SAP) sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2, mga wait-listed beneficiaries, mga low-income individuals, kabilang na ang mga solo parents at persons with disability, at iba pang indibidwal na apektado ng ECQ.

‘Wag na rin sanang pag-interisan pa ng ilang ganid ang konting tulong na ito sa ating mga kababayan, malasakitan sana ang maghari at ‘wag ang lamangan.

Matindi na ang dinadaan ng bansa dulot ng pandemya, ‘wag na rin naman sanang makisabay ang mga ‘magugulang’.

 

 

vuukle comment

FINANCIAL ASSISTANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with