^

Punto Mo

Giyera vs COVID, nasa mga bahay na!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

Tunay na malakas na kalaban ang COVID virus at nag-mutate pa ito o nag-ibang anyo para patuloy na maghasik ng karamdaman, hindi lang sa Pinas kundi sa buong mundo. Kaya’t ating simulan ang “World War C” or ang pandaigdig na laban sa COVID mismo sa ating mga tahanan, na unti-unti ng pinasok ng virus. Now na!

Ayon sa mga health experts na kapag ang virus ay makapasok sa inyong tahanan, aba mahirap na itong pigilan sa pagkalat. Ito ang dahilan ayon sa mga eksperto kung bakit nagkakaroon ng clustering ng mga kaso ng COVID ngayon sa mga tahanan at workplaces. Kaya nararapat lamang na pigilan itong makapasok sa ating tahanan. Tayo ay masusing sumunod sa minimum health protocol.

Magiging makulit ako sa pagsasabi na napatunayan ng pamilya ko ang pagsusuot ng face mask at pag-practice ng distancing kahit sa loob ng ating mga tahanan ay epektibo upang labanan ang COVID. Isinagawa namin ito nang mag-positive sa COVID ang isa naming kasama sa bahay. Malaki ang posibilidad na ito ay kanyang nakuha sa trabaho dahil ilan sa mga kasamahan niya sa kompanya ang nagpositibo rin sa virus. Araguuyyyy!

Matapos na siya ay i-isolate, kami ay nagsimula ng magsuot ng face mask buong araw maliban na lamang kung naliligo o nag-iisa. Nakakalungkot man pero hindi na rin kami sabay-sabay kumakain upang makapag-distancing at maiwasan ang pagkumpul-kumpol namin sa bahay. Mabuti ng pansamantalang maglayo kaysa permanenteng hindi na makasalo ang pamilya.

Malaking tulong din ang Internet sa amin dahil nag create kami ng group chat kung saan kami puwedeng mag-usap habang nag-o-observe ng physical distancing. Dalawang beses ding nagtse-check kada araw ng oxygen level, body temperature at blood pressure. Mahalaga ito lalo na’t kami ay may kasamang dalawanag 90 years old at may comorbidities na tinatawag.

Sa pagsasagawa nito agad na-detect ang pagbaba ng oxygen level ng isa sa aming matanda dahilan na siya pala ay may pneumonia, ngunit walang sintomas. Common pala sa mga matanda na walang sintomas ang pneumonia, mabuti na lamang at ito ay kagyat na nabigyang lunas. Mismoooo!

Matapos ang dalawang linggong quarantine, ay lumabas ang resulta ng aming RT-PCR test na kaming lahat ay negatibo sa virus. Higit sa lahat ay sa Diyos ang aming pasasalamat. Napatunayan din namin na epektibo ang paggamit ng face mask at ang pagpapanatili ng iba pang minimum health protocol para pigilan ang pagkalat ng virus. Uminom din kami ng Vitamin C, nag exercise at nagpaaraw upang lumakas ang aming katawan. Get’s n’yo mga kosa?

Bukod sa hirap sa katawan, nakakapagdulot din ng anxiety at stress itong COVID, di lamang sa mga maysakit kundi pati sa kanilang pamilya. Napakasakit sa dibdib na makita na ang isang mahal sa buhay ay di man lamang masamahan at matulungan sa oras ng karamdaman. Kaya simulan natin ang laban sa COVID sa ating mga tahanan upang tuluyan nang matuldukan ang pananalasa ng pandemya sa ating bansa. ‘Wag maging kampante kahit may bakuna na. At higit sa lahat, ‘wag pasaway! Abangan!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with