^

Punto Mo

Experts kailangan na sa laban sa COVID

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Maging ang Department of Health (DOH) ay nagrekomenda na rin na mapalawig pa ng isang linggo ang pinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa  NCR Plus.

Ayon sa kanila, ito ay upang maging mabilis ang makitang pagbaba sa bilang ng tinatamaan ng COVID-19.

Kamakalawa ay muling naitala ang record high na bagong kaso ng COVID-19 na umabot sa 10,016 at kahapon ay mahigit sa 9K pa rin ang bagong kaso ng COVID.

Binanggit ng DOH na ideyal na pagpapatupad ng ECQ ay sa loob ng dalawang linggo upang makita ang mabisang epekto nito.

Hindi lang DOH ang humirit na mai-extend ang lockdown sa NCR at apat na karatig lalawigan, kundi maging ang iba pang health experts.

Marami na kasi ang nangangamba dahil nga sa mataas na bilang nang tinatamaan ng virus.

Dahil sa lockdown malilimitahan ang kilos at galaw ng mga tao, na sinasabing pangunahing dahilan kaya mabilis ang hawaan.

Pero sa nakikita ng ilang grupo  hindi nakakasapat ang lockdown, dapat din umano na masabayan ito sa pag-i-improve ng mass testing at iba pang pamamaraan.

Nakikita kasi nila na mistulang mas matindi pa ang nangyayari ngayon kaysa noong unang nakikipaglaban ang bansa sa unang pagputok ng virus sa atin.

Sa tantiya ng ilang eksperto sampung hakbang patalikod ang nangyayari ngayon sa bansa sa paglaban sa COVID kumpara noong nagsisimula pa lamang.

Sakaling pagbigyan ang ekstensyon ng ECQ, paano na pagkatapos nito, babalik sa dating gawi. Lalabas ang mga manggagawa  dahil hindi naman maaaring habambuhay na hindi kumilos at maghanapbuhay, dahil baka hindi nga naman hindi nga madale ng virus, gutom naman ang dadale  sa kanila dahil sa hindi pagubukas ng ekonomiya.

Mukhang kailangan na ngang makinig sa panawagan ng marami na pamunuan na ng mga eksperto sa kalusugan ang task force sa   paglaban sa virus.

Matagal na panahon na o higit isang taon ang paglaban natin sa pandemya yun nga lang mukhang hindi pasulong ang nangyayari kundi pabalik at mas matindi pa sa dati.

Pagbigyan marahil sa ngayon na mapakinggan ang pahayag ng mga health expert baka ito nga ang maging solusyon para mapababa ang bilang nang hawaan sa virus.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with