^

Punto Mo

Palaro ng PCSO, suspendido sa Semana Santa!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

SUSPENDIDO pansamantala ang mga palaro ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) mula bukas, (Huwebes), hanggang Abril 4 dahil sa pagselebra ng mga Pinoy ng Semana Santa. Sinuspinde rin ni PCSO General Manager Royina Garma ang lotto games at operations sa NCR Plus, na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, kung saan pinaiiral ng gobyerno ni President Digong ang lockdown mula noong Lunes hanggang sa Linggo.

Subalit ang lotto at digit games operations sa hindi sakop ng NCR Plus ay suspendido rin mula noong Marso 29 hanggang Marso 31 pending approval ng PCSOs request sa Palasyo na magsagawa ng bola nito sa PCSO main office sa Mandaluyong City, ani Garma. Ipinaliwanag ni Garma na ang Small Town Lottery (STL) at Keno, kasama na ang Instant Sweepstakes ay tuloy sa mga areas na hindi saklaw ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) subalit isasailalim ito sa mga umiiral na quarantine classifications. Hayan, malinaw ‘yan mga kosa ha?

Iginiit ni Garma na kung may pagbabago man sa anunsiyo nila sa ibang areas, ‘yan ay kung aprubado ang kahilingan nila sa Palasyo para magbenta ng tiket  ang mga authorized agents o mag-draw ng winning combinations nila. Hak hak hak! Kaya mga kosa ko, iwas muna sa sugal dahil sarado rin naman ang PCSO sa Semana Santa, magpenitensiya at higit sa lahat makapi-ling n’yo ang inyong pamilya.

Kung sabagay, makakatulong nang malaki ang aksiyon ni Garma sa pinaiiral na lockdown ng gobyerno ni President Digong sa NCR Plus dahil tiyak stay at home ang mga sugarol na Pinoy sa Metro Manila, Cavite, Rizal, Laguna at Bulacan. Sa totoo lang, hindi naman makalabas ng bahay ang mga adik sa sugal para tumaya dahil baka mahuli pa sila ng mga nagpapatrulyang mga pulis.

Kapag nagpumilit kasi silang lumabas at tumaya sa gaming products ng PCSO, aba malaki ang tsansa na kapitan sila ng COVID at marami pa silang mahawa at raragasa na naman ang bilang ng positibo sa virus, di ba mga kosa? Mismoooo! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Dapat bantayan ni Calabarzon police director Brig. Gen. Felipe «Pipoy» Natividad itong jueteng ni John Yap sa Cavite dahil hindi naman sila saklaw ng kautusan ni Garma, na nagsasabing walang pakialam ng PCSO sa palaro ng huli.

Matigas kasi ang ulo nitong si John Yap at tiyak magbakasakali na ituloy ang jueteng niya sa Cavite dahil sayang din ang grasya. Kapag hindi lumabas ng kanilang bahay ang mga kubrador ni Yap, tiyak bababa ang kanyang kubransa at ang resulta – olats siya sa lingguhang intelihensiya. Mismoooo!

Malaking papel ang ginampanan ng jueteng ni Yap upang tumaas ang kaso ng COVID sa Cavite, di ba Gov. Jonvic Remulla Sir? Subalit bakit hindi sinisisi ni Remulla si Yap?  Magkano? Abangan!

vuukle comment

SEMANA SANTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with