^

Punto Mo

Balik sa dati!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nangyari na nga balik sa dati na mas mahigpit na enhanced community quarantine ang Metro Manila at 4 na lalawigan na kabilang sa ‘plus bubble’ na nagsimula kagabi ng hatinggabi.

Mamayang alas-6 ng gabi naman simula na ang 11-oras na curfew sa lahat ng nasa ecq areas sa loob ng isang linggo.

Ibig lang sabihin matindi ang naging pagtaas ng kaso kaya kailangan ng ‘circuit breaker’ o malimitahan ang kilos at galaw ng mga tao kahit sa loob lamang ng isang linggo.

Balik sa dati ika nga, baka nga kasi mas malala pa ang nangyayari ngayon kaysa noong nagsisimula tayong makipaglaban sa pandemya ng COVID.

Nakikita ang mga pagtaas sa araw-araw at marami sa ating mga kababayan ang pinaghaharian na ng takot na baka sila mahawaan, lalo pa nga’t wala pa silang bakuna na siyang panlaban.

Base sa projection ng OCTA  aabot sa 12,000 hanggang 13,000 kaso kada araw ang posibleng maitala na mga bagong kaso sa pagsapit ng buwan ng Abril.

Kita naman talaga dahil maging ang mga pagamutan at isolation facilities sa rami ng tinatamaan ng virus.

Sumunod na at huwag maging pabaya, para rin hindi mahirapan ang lahat at nang hindi na tumagal ang ganitong lockdown.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with