^

Punto Mo

Opinyon

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

“ILANG apples ang mapapasaiyo kung bibigyan kita ng isang apple at isang apple at isa pang apple?”

Si Teacher Loi ang nagtatanong sa nursery student niyang si Kirby. May nakadrowing na tatlong apples sa blackboard upang mas malinaw ang pagtuturo.

“Four,” ang sagot ng tinanong.

Naisip ni Teacher Loi na baguhin niya ang apple. Baka hindi kumakain ng apple ang bata kaya hindi niya makuha ang tanong. Robot na lang. Ito ang alam niyang paboritong laruan ni Kirby.

“Niregaluhan kita ng isang robot, tapos isa pang robot ang ibinigay ng iyong Daddy at isa pang robot ang ibinigay ng iyong Mommy. Ilang robot ang natanggap mong regalo?” Nag-drowing muli ang teacher ng robot sa blackboard..

“Three!”

“Very good!” Nakatawa ang teacher na para bang napagtagumpayan niya ang isang napa-kahirap na “task”.

“Kirby, bumalik ulit tayo sa nakadrowing na apples dito sa blackboard. Kung bibigyan kita ng isang apple at isang apple  at isang apple, ilang apple ang mapapasaiyo?” Isa-isang itinuturo ng teacher ang nakadrowing na apple sa blackboard upang mas maintindihan ng bata ang kanyang itinatanong.

“Four!”

“Kirby, THREE ang tamang sagot. Mali ang FOUR.”

“Teacher, may ONE  apple ako sa aking bag, kaya magiging FOUR ang apples ko kapag binigyan mo ako ng THREE apples.”

Moral of the story: Pakinggan mo muna ang katwiran ng iyong kausap bago mo husgahan na mali ang kanyang opinyon. Kadalasan ay tinatatakan na kaagad natin na mali ang isang opinyon kapag ang sinasabi ng ating kausap ay hindi umaayon sa inaakala nating “tama”.

 

vuukle comment

APPLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with