_pang-masa
^

Punto Mo

2 kuwentong paspasan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1) Reklamo

Sa isang malayong lugar sa Pilipinas, mayroon silang batis na bumubukal ng maligamgam na tubig. Sa dulo namang bahagi ng batis ay may bumubukal na  napakalamig na tubig.

Nilalabhan ng mga residente ang kanilang damit sa batis. Sinasabon nila ang damit sa maligamgam na tubig. Kapag magbabanlaw, dadalhin naman nila ang damit sa bahaging may bumubukal na malamig na tubig.

Isang turista ang humanga sa natural na biyaya ng kalikasan sa mga mamamayan. Hindi siya nakatiis na mag-comment sa isang residente.

Ang suwerte naman ninyo. Libre na kayo sa tubig na panlaba, may hot at cold water pa kayong nagagamit.

Sa kasamaang palad, marami pa rin mga misis ang nagrereklamo!, sagot ng residente. Ang lagay na ‘yun, hindi pa sila nakukuntento? Ano ba ang kanilang inirereklamo? tanong ulit ng turista.

Magbibigay din lang daw si Mother Nature, sana ay sinamahan na niya ng sabon. Wish lang daw nila, may bumukal na libreng sabon sa isang bahagi ng batis.

We never appreciate what we have; but only complain of what we lack. – Anonymous

2) Ego

Nangailangan ng pitong assistants si Socrates kaya isa-isa niyang ininterbyu ang mga aplikante. Ang aplikante ay patatayuin niya sa tabi ng batis na maraming naglalanguyang isda. Pagkatapos ay tatanungin ng ganito: Ano ang nakikita mo sa batis? Naobserbahan ito ng isa niyang estudyante kaya hindi nakatiis na magtanong:

“Sir bakit ganoon ang tanong mo?”

“Para malaman ko kung sino  sa kanila ang nagmamahal sa kanilang sariling ego. Hindi ko mapapakinabangan ang ganoong klaseng tao.”

“Ano po ba ang palatandaan na sarili lang nila ang kanilang mahal?”

“‘Yung ang sagot ay sarili nilang repleksiyon ang nakikita sa batis.”

The greatest conflicts are not between two people but between one person and himself.—Garth Brooks

WATER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with