^

Punto Mo

Bayanihan spirit, buhay sa mga negosyanteng Pinoy!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

BUHAY pa ang tinatawag na “Bayanihan” spirit sa mga Pinoy, lalo na ngayong tumataas ang bilang ng COVID-19. Dahil lubog ang ekonomiya ng Pinas, ang mga simpleng mamamayan at maimpluwensiyang Pinoy sa ating lipunan ang walang pag-aatubiling nag-ambagan ng pondo sa Bayanihan Fund para tulungan ang gobyerno na tustusan ang gastusin laban sa virus.

Sa ulat ng CNN, umabot na sa P8 bilyon ang nalikom na pondo ng Bayanihan Fund at malaki ang maitutulong nito sa mga Pinoy, lalo na sa pag-angkat ng vaccine kontra COVID. Get’s n’yo mga kosa?

Kung sabagay, sa simula pa lang ng pandemya, kaliwa’t kanan na ang tulong ng mga negosyante nating kababayan sa mga kapuspalad. At sana, dumami pa ang ginintuang puso, na tawagin nating mga “bayani”, sa hanay ng mga Pinoy ang kusang magbigay din ng tulong sa mga mahihirap na mga Pinoy. Mismoooo! 

Siyempre, ang mga “bayani” sa kampanya laban sa COVID ay ang mga kompanya nina: Tony Tan Caktiong ng Jollibee; Dennis Uy ng Udenna Group; Vista Land owner Manny Villar, Aboitiz Group; Metrobank ng pamilya Gokongwei; SM Group; Manny Pangilinan Group of Companies;  Araneta Group; San Miguel Corporation ni G. Ramon Ang,  Andrew Tan;  Ayala Group; Lopez Group;  Resorts World; Okada; City of Dreams; National Grid Corporation of the Philippines at iba pang personalidad.

Hindi rin nagpahuli sa pagbigay ng tulong si Pambansang Kamao at Sen. Manny Pacquiao na ramdam ang pangangailangan ng ating kababayan sa panahon ng pandemya. Halos P1 bilyon ang binitawang pitsa ni Sen. Pacquiao sa mga mahihirap na mga Pinoy, lalo na ang mga nawalan ng trabaho sa pagbulusok ng virus. Hindi inaalintana ni Sen. Pacquiao ang banta ng virus sa buhay n’ya at patuloy na nag-iikot para mag-abot ng tulong sa mga nangangailangan.  Hehehe!

Hindi nangangampanya si Sen. Pacquiao ha mga kosa? Araguuyyyy! Hak hak hak! Ayaw pag-usapan ni Sen. Pacquiao ang pulitika habang malayo pa ang 2022 elections. Mismooooo!

Kung sabagay, si Sen. Pacquiao lang ang opisyal ng gobyerno na nasa listahan ng mga donors sa Bayanihan Fund. Ang panalangin ng mga mahihirap ay sundan ng iba pang mayayamang negosyante ang ehemplo ni Sen. Pacquiao para lalong lumaki ang pondo ng Bayanihan Fund nang sa gayon ay maraming naghihirap na Pinoy ang matutulungan.

Kailangan ng gobyerno ang malaking pondo para labanan ang COVID, lalo na’t may iba’t ibang variants nito ang nakapasok na sa bansa. Sa mga pulitko natin, mag-ambag din kayo gaya ni Sen. Pacquiao, at ‘wag naman puro dakdak lang kayo na nagdudulot lang ng pagkawatak-watak nating mga Pinoy. Araguuyyyy! at higit sa lahat, ‘wag sana puro election ang magiging laman ng utak n’yo. Tumpak! Abangan!

 

vuukle comment

BUSINESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with