^

Punto Mo

Maging ligtas sa public Wi-Fi

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

MERON ding mga peligro sa nagkalat ng mga public Wi-Fi. May tsansa kasing may makasilip sa ilang mahahalaga at sensitibong mga detalye sa iyong buhay tulad ng bank account o credit card. Masarap din namang mag-internet sa mga  hotspot na ito lalo na kung libre. Pero, batay sa payo ng mga eksperto,  kailangan din ang pag-iingat kung gagamit ka ng mga public wifi sa isang shopping mall halimbawa, restawran, bus, hotel, ospital, train, coffee shop, parke,  at iba pa.

Sinasabing pinakamalaking banta sa libreng Wi-Fi security ay ang abilidad ng hacker na pumosisyon sa pagitan mo at ng connection point.  Maaaring gamitin ng hacker ang unsecured Wi-Fi connection para magpakalat ng malware. Kung papayagan mo ang file-sharing sa isang network, madaling makakapagtanim ang hacker ng infected software sa iyong computer.

Sa Popular Science, ibinahagi ni David Nield ang ilang puntos para manatiling ligtas sa public Wi-Fi.

Sinabi niya na hindi gaanong ligtas ang public Wi-Fi kumpara sa private network sa bahay na gumagamit ng  internet. Sa public Wi-Fi kasi, kabahagi mo ang napakaraming estranghero sa halip na ilang mga tao na kilala mo at maaaring iyong pinagkakatiwalaan. Kung 100 porsiyentong gusto mong makatiyak na ligtas ang iyong privacy, huwag nang gamitin ang public Wi-Fi. Pero, kung gagamitin mo ito, maging mulat sa panganib na maaaring may estrangherong makasilip sa iyong browsing session.

Kung hindi maiiwasang gumamit ng public Wi-Fi, huwag munang gumawa ng mga seryosong aktibidad tulad ng online banking o pagbukas ng iyong work email. Manatili lang sa mas magaan na mga aktibidad tulad ng pagbabasa ng balita o panonood ng video  at iba pa na walang problema kung may makasilip man sa iyong ginagawa. Kung mag-i-internet ka gamit ang public Wi-Fi, huwag masyadong magtagal. I-disconnect ang iyong Wi-Fi kapag tapos ka na. Tiyakin din na updated ang iyong laptop o smartphone. Sa mga impormasyong ito, mababawasang malantad sa ibang tao ang iyong gadget.

Sa paggamit ng browser, buksan lang ang mga website na merong HTTPS connection. Ito iyong ang URL ay nagsisimula sa “https://”   at may lumalabas na green padlock. Ibig sabihin, nasa site ka na namamarkahan bilang Hyper Text Transfer Protocol Secure. Meron kang encrypted connection para maging ligtas ang iyong ginagawa sa internet. Mas mahihirapang makasilip dito ang sino man na malapit sa iyo o sa nagpapatakbo ng router ng Wi-Fi.

Ayon pa sa eksperto, mas mainam na magbukas ng internet sa pangkalahatang kadahilanan.  Huwag magbukas ng social media tulad ng Facebook at email tuwing gagamit ng public Wi-Fi. Pero, kung kailangan talagang magbukas ng sensitibong website, tignan kung meron itong green padlock at HTTPS header para matiyak na ligtas ka. Kadalasan naman sa mga malalaking website tulad ng Google at Facebook ay gumagamit ng HTTPS.

Hangga’t maaari, gamitin lang ang public Wi-Fi ng mga kilalang kumpanya o brand at lumayo sa anumang Wi-Fi network na basta na lang sumulpot mula kung saan.

Email: [email protected]

              

vuukle comment

WI-FI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with