_pang-masa
^

Ang mister na congressman

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - March 18, 2021 - 12:00am

MULA sa Maynila, umuwi si Congressman at misis nito sa probinsiya kung saan lumaki si Misis. Dumaan sila sa isang gasoline station para magpakarga ng gas. Ini-off muna ang aircon habang kinakargahan ng gas, kaya ibinaba muna ni Misis ang bintana para hindi siya mainitan.

Hindi sinasadyang nagkatinginan ang gas attendant at si Misis. Pareho silang nabigla. Ibinaling ng gas attendant ang tingin sa hose na nakasaksak sa kotse. Si Misis naman ay binuksan ang cell phone para hindi mahalata ang kanyang pagkataranta at “awkward feeling”.

Nang makaalis ang kotse sa gasoline station ay saka itinago ni Misis ang cell phone. Walang imik nitong ibinaling ang tingin sa bintana. Habang nagmamaneho si Congressman, binasag nito ang katahimikan. Nahalata niya kanina ang “awkwardness” sa pagitan ng kanyang asawa at gas attendant.

“Siya si Gil…’yung gas attendant?”

“Oo,” habang nakatanaw pa rin si Misis sa labas ng bintana.

“First boyfriend mo?”

“Oo.”

“I guess iniisip mo na kung kayo ang nagkatuluyan, ikaw ngayon ay misis ng isang gas attendant. Right?”

“No. Actually, iniisip kong siya ang congressman ngayon ng aming distrito.”

Si Congressman ay dating waiter sa isa sa mga restaurant ng pamilya ni Misis. Palibhasa ay guwapo, nabingwit niya ang mayamang misis. Bukod sa pamilya ng mga negosyante si Misis, pamilya rin ito ng mga pulitiko.

Nailuklok sa puwesto si Congressman sa tulong ng ama ni Misis na dating gobernador ng kanilang probinsiya. Ang mga bagay na iyon ang nakalimutan ni Congressman na pasimple ang panlalait sa gas attendant.

 

CONGRESSMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with