^

Punto Mo

Back to normal o babalik sa lockdown?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Isang taon matapos na isailalim ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa sa lockdown, mukhang nakaamba na namang maulit ito sa kasalukuyan dahil sa matinding pagtaas ng kaso ng COVID.

Itinuturing na nga ito ng mga eksperto ng second wave dahil sa mga naitatalang kaso eh lubhang napakataas na gaya nang naitatala noong nakalipas na taon.

Sa paglalagay naman sa mas mahigpit na community quarantine partikular ang Metro Manila, naniniwala ang mga health experts na posible itong mangyari kapag tuluyan na ngang napuno ang mga pagamutan dahil sa pag-alagwa ng mga bagong kaso.

Nito lamang nakalipas na Sabado nakapagtala ang DOH ng nasa 5,000 mga bagong kaso na siyang pinakamataas sa nakalipas na pitong buwan.

Ang Metro Manila, kinokonsidera ng ‘high risk’ area sa kaso ng COVID, kaya nga simula mamayang alas-10 ng gabi  ipapatupad na ang unified curfew hours sa rehiyon hanggang alas-5 ng madaling araw.

Kakalat na muli ang mga checkpoints, na tulad nang dati na isang paraan para muling mapigilan ang mga tao sa paglabas sa bahay.

Medyo mararamdaman na naman ang mga pagbabago na matagal nang pinagtiisan ng ating mga kababayan.

Sa mga susunod na araw magbibigay na ng kanyang desisyon si Pangulong Digong sa  kung ano ang ipapatupad na quarantine status lalu na sa NCR.

Bigla-bigla ang kaganapa , dahil nga inaasahan ng marami eh tuluyan ng magbubukas ang ekonomiya na ang ibig sabihin back to normal, pero sa nangyayari mukhang hindi pa ito magaganap at bagkus baka lalu pang maghigpit.

Anut-anumang, ang masaklap dito, eh sakaling magpatupad ng mas istriktong quarantine, baka hindi na maibigay ng pamahalaan ang dating tulong o ayuda na ipinagkaloob dati.

Kaya nga mas kailangan ngayon ang todong pagbabantay at pagtulong sa pamahalaan sa pamamagitan nang simpleng pagsunod sa health protocols para mapigilan ang pagdami pa ng mga bagong kaso.

Dapat na madisiplina na ang sarili, na gaya ng dati na nating sinasabi, wag maging kampante, dahil kung magkaganito mas matindi ang buwelta ng pandemya sa mga indibiduwal, hindi lang kalusugan kundi maging sa kanilang kabuhayan.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with