^

Punto Mo

RD ng PNP, binansagang‘cop killer’!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MAY isang regional director (RD) ng Philippine National Police (PNP) na binansagan ng kanyang mga kabaro sa Camp Crame na “cop killer”. Nais linawin ng mga kosa ko sa Camp Crame na hindi mamamatay tao si RD, kundi mukhang palaging nakatiklop lang ang kanyang mga kamay. ‘Ika nga, kailangan ‘ata ng martilyo o maliit na maso para maibuka ni RD ang kanyang mga kamay at magbitaw ng pitsa. He he he! Get’s n’yo mga kosa?

Siyempre, inurirat ko ang aking mga kosa kung bakit “cop killer” si RD at ito ang paliwanag nila. Ito palang si RD ay may problema pagdating sa budget, maging sa operations man o sa pagkain ng kanyang mga bataan. Sa ngayon kasi, hindi itinuloy ni RD ang budget para sa pagkain ng kanyang tropa kaya’t nagkanya-kanyang bili na lang sila.

Kungsabagay, malaki na naman ang suweldo ng mga pulis natin kaya’t kayang-kaya na nilang bumili ng gusto nilang pagkain, di ba mga kosa? Kaya’t dito nabansagan na “cop killer” si RD dahil hindi mamamatay sa engkuwentro laban sa kriminal, drug syndicates at terorista ang kanyang mga tauhan kundi sa gutom. Araguuyyyyy! Hak hak hak! Joke lang kaya ito?

Kung sabagay, wala naman sa rules at guidelines ng PNP na pakakainin ng RD o iba pang opisyal ang kanyang tauhan dahil kada pulis ay may subsistence at rice allowance na naka-embed sa kanilang ATM. Kung magpakain man ang RD o hepe ng operating units ng tanghalian...minsan may almusal pa at hapunan, ‘yun ay marunong lang silang mag-share ng grasya na dumarating sa kanila. Lalo na ‘yung operating unit ng PNP dahil kadalasan may parating sa kanila mula sa ilegal tulad ng jueteng, sakla, perya, lotteng, PBA ending at iba pa.

Maliban pa ‘yan sa maliit na posiyento nila sa Small Town Lottery (STL) at sa Peryahan ng Bayan (PNB). Kapag maluwag ang kamay ng RD o hepe, aba sobrang buwenas ang mga tauhan niya dahil tiyak may weekly allowance pa sila. Kaya’t kapag marunong mag-alaga ang RD o hepe sa mga tauhan n’ya, t’yak sangkatutak palagi ang accomplishments nila. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Kapag walang accomplishment ang isang opisina ng PNP, ang sigurado dun «solohista» ang hepe nila. Araguuyyyyy! Mismoooooo!

Alam naman ng mga kosa ko sa Camp Crame na sobra-sobra ang parating kay RD dahil ang hurisdiksiyon n’ya ay pugad ng POGO at online sabong. ‘Ika nga, hindi tagtuyot ang puwesto n’ya.

 

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE (

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with