^

Punto Mo

PDEG, walang humpay ang trabaho vs droga!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

WALANG humpay ang anti-drug operations na ikinakasa ng pulisya at malaki na ang nababawas na droga na inilalako sa kalye. Halos lahat ng sulok ng Pinas na ang ginagalugad ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) at iba pang police units at mukhang takot magbenta ang mga drug syndicates sa ngayon dahil alam nilang may kalalagyan silang hindi maganda.

Umamin naman si PDEG chief Brig. Gen. Ronald Lee na hindi sila makapag-transact ng malakihang shabu sa ngayon dahil nag-lie low ang mga drug syndicates. Kung sabagay, maging ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay maliitan na rin ang nadadampot na shabu sa kalye.

Naniniwala si Lee na kumukuha lang ng tiyempo ang mga drug syndicates at maaring aarangkada ang mga ito kapag lumuwag na ang sitwasyon ng COVID-19 sa Pinas dahil may vaccine na. Kaya lang may bad news din para sa mga drug pushers at ‘yan ay handa na rin ang PDEG laban sa kanila lalo’t dumarami na ang mga Pinoy na nagsusumbong kung saang banda ng Pinas malakihan ang bentahan ng droga. Araguuyyyy! Hak hak hak!

Hindi natutulog ang PDEG sa pagbantay sa lahat ng kilos ng drug syndicates, sa jail facilities, koreo man o sa kalye, di ba mga kosa? Mismooooo!

Kung sabagay, buking na ng PDEG at PNP ang modus operandi ng mga drug syndicates at ang magandang halimbawa diyan ay ang pagkakumpiska ng mahigit dalawang kilong shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon. Idinaan pa ng sindikato ang droga sa NAIA-AIDITG ang epektos nila subalit na-trace pa ng PDEG sa Pantaleon St., Bgy. Guyong sa Sta. Maria, Bulacan kung saan nakorner si Jayson Quijoy, 37.

Idineklara ang parcel na «steamboat with grill» na ipinadala ng Glus SDN BHD galing Malaysia subalit may shabu ito na nakatago sa 2 hot pots, ani Lee. Hehehe! Buking si Quijoy ng PDEG!  Buti na lang hindi nanlaban si Quijoy na nakumpiskahan ng dokumento tungkol sa parcel at celfone.

Ang mali naman nitong sina Renzeil Sibelius, 32, at Gervin Salvino, 30, ay nanlaban sila sa mga bataan ni Lee sa isang drug sting sa Oraan East, Manaoag, Pangasinan. Si Sibelius ay target ng Coplan V-Slice ng PDEG itinuturo siya na nasa likod ng pagpalaganap ng droga sa ProCordillera, Pangasinan at Metro Manila. Nadamay pa si Salvino na ang trabaho ay driver lang ni Sibelius. Araguuyyyy!

Nakumpiska sa pinagyarihan ng shootout ang isang kalibre 45 pistol, cal. 38 revolver, fired empty shells, isang kulay silver gray na Toyota Innova (NAS 7152) at tatlong kilo ng marijuana na nagkakahalagang P360,000.

Si Allan Gomez, 38, naman ay inaresto ng pulisya sa Repullo St., Bgy. Poblacion sa Kabankalan City, Negros Occidental bunga sa arrest warrant sa droga na inisyo ni Judge Rodney Magbanua ng Branch 61.

Si Gomez ay No. 1 drug personality ng Kabankalan City, at Negros Occidental at priority high value target ng Western Visayas police, ani Lee. Idinagdag pa ni Lee na si Gomez ay miyembro ng Bugalon Drug group at naaresto sa isang drug sting noong Aug. 21, 2018. Pinakawalan s’ya sa ilalim ng plea bargaining agreement at inisyuhan ng arrest warrant matapos maging positibo sa droga sa random drug testing ng Kabankalan City BJMP. Hayyy! Ayaw magbago kaya’t hayan! Abangan!

 

vuukle comment

PDEG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with