^

Punto Mo

‘Wag kasing pasaway!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Matindi na ito, itinaas na ng DOH ang ‘red flag’ dahil sa pag-alagwa ng mga kaso ng virus.

Maging sa mga pagamutan, tumaas din ang bilang ng mga COVID patient na naka-admit.

Nitong unang linggo ng Marso naitala ang matataas na kaso ng COVID at maging ang mga LGU ay nababahala na rin sa kani-kanilang mga lugar dahil sa biglang pagsirit ng bilang ng kaso ng COVID.

Kasabay ito sa pagtaas din nang tinatamaan ng  ibat-ibang variants.

Ito ay sa gitna ng puspusang vaccine rollout sa mga frontliners partikular ang mga health workers at ang sunud-sunod na pagdating sa bansa ng mga bakuna.

Naniniwala ang DOH na ang pag-alagwa sa bilang ng mga nagkaka-COVID ay hindi  dahil sa mga naitatalang COVID variants, kundi ito ay dahil sa mga pasaway sa health protocols. 

Mukhang nakakalimot ang marami nating kababayan na dahil sa ilang pagluluwag sa mga patakaran mistulang inakala nilang wala na ang COVID.

Nandiyan na ang nakakalimutan ang social distancing, hindi pagsusuot ng face mask at face shield na siyang pangunahing kailangan para malabanan ang virus.

Naniniwala ang Department of Health (DOH) na tumataas ang kaso ng COVID-19 hindi lang dahil sa mga bagong variants kundi dahil sa mga pasaway na binabalewala ang mga ipinatutupad na health protocols.

Kaya nga sa ilang lungsod sa Metro Manila, nagbabala ang mga alkalde na kamay na bakal na ang gagamitin sa mga pasaway.

Tama lang naman ito, dahil marami talaga ang binabalewala ang mga pinaiiral na protocols. Talaga ngang pasaway, ayaw sumunod, walang pakialam, sana kung sya lang ang tatamaan, kamukat-mukat mo ito pa ang nagkakalat ng virus.

Sana ay ‘wag masayang ang mahabang panahon na pagtitiis, ang nakakaalarma dito baka imbes na bumalik sa normal ang lahat, bumalik sa dati na mas mahigpit pang quarantine o lockdown na malamang na hindi na kayanin ng ekonomiya at maging ng kabuhayan ng mga indibiduwal.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with