^

Punto Mo

Tatanga-tanga

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAHINA ang ulo niya kaya hindi siya nakatapos ng high school. Sa kabila noon ay matiyaga siya at masipag magtrabaho. May nagustuhan siyang babae na kagaya niyang mahirap at mababa lang ang pinag-aralan. Pero tutol ang mga magulang nito na siya ang makatuluyan ng kanilang dalaga.

“Paano ka bubuhayin ng lalaking ‘yan eh mukhang tatanga-tanga?”

Ang mga sinasabi ng mga magulang ng babaeng naliligawan ay parang may pakpak na nakakarating sa kanya. Medyo na-hurt siya sa salitang tatanga-tanga. Sa isip niya, kung makapagsalita naman ang mga magulang ng nililigawan niya ay parang nakatapos ng kolehiyo ang kanilang anak samantalang ‘di pa nga ito nakatapos ng grade six. Buti nga siya at nakaabot ng second year high school.

Sa sobrang panlalait sa kanya ay naging agresibo siya sa nililigawan. Binola niya ito nang sagad-sagaran hanggang pumayag na itong makipagtanan sa kanya. Noong mag-asawa na sila ay may kumuha sa kanya na maging houseboy sa Maynila. Naiwan ang kanyang misis sa probinsiya.

Isang araw ay pinadalhan niya ng malaking halaga ng pera ang asawa. Six times ang laki kumpara sa dati niyang ipinadadala. Ang magandang balita nito, sa sobrang sipag niya, natuwa ang amo at inilipat siya sa tindahan ng kotse na pag-aari nito. Ginawa siyang ahente ng kotse. At kaya malaki ang ipinadala niya ay nakapagbenta siya ng tatlong kotse sa loob lang ng isang buwan.

Isang taon siyang nagpapadala ng malaking halaga ng pera. At noong Pasko na hindi pa pandemic, umuwi siya sa probinsiya na may pasalubong na alahas sa kanyang misis. Medyo nagparinig siya sa mga biyenan: “Medyo sinusuwerte lang ang tatanga-tanga ninyong manugang”. Pero isang araw, tumigil ang pagpapadala niya. Tapos biglang dumating sa probinsiya ang mga amo at hinahanap ang asawa nito. Nagkataong suot ng asawa ang  alahas na iniregalo niya noong Pasko. Biglang hinaltak ng babaeng amo ang kuwintas.

“Akin ‘yan! Ninakaw ng asawa mo sa akin!”

“Ninakaw?”

Natulala ang misis sa narinig. Hindi totoo ang sinabi nito na naging ahente ito ng kotse. Houseboy pa rin ito na ginawang hobby ang pagnanakaw sa mga amo. Kumalat sa buong baryo ang kahihiyan nitong ginawa.

Sa kagustuhang magpasikat sa pamilya ng napangasawa, natuto siyang magnakaw. Natuklasan niya ang pinagtataguan ng alahas at pera ng mga amo. Matagal din siyang nagtampisaw sa pagkuha ng mga bagay na hindi niya pinaghirapan. Siguro, sa sobrang dami ng pera, hindi nahahalata ng mga amo na nababawasan ang pera ng mga ito. Pero lahat ng bagay ay may katapusan. Nahuli siya sa akto.

Tumimo sa isip niya at puso ang panlalait sa kanya ng mga biyenan. Kaya lang mali ang ginawa niyang pagpapasikat. At sa una at huling pagdalaw sa kulungan ng mga biyenan sa kanya, ito ang nasabi ng mga ito:

“Tanggap na naming ang napangasawa ng aming anak ay tatanga-tanga, at least masipag kang maghanapbuhay. Pero ang hirap tanggapin na tatanga-tanga na nga, magnanakaw pa ang aming manugang”.

vuukle comment

HIGH SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with