^

Punto Mo

Lalaking nakabili ng segunda manong mangkok, nagulat nang malamang mamahalin pala ito!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki mula sa Connecticut, USA na nakabili ng isang segunda manong mangkok sa halagang $35 ay posibleng kumita nang mahigit $500,000 dahil isa palang 600 year old Chinese antique ang mangkok na ito!

Ayon sa Sotheby’s Auction House, nakipag-ugnayan sa kanila ang isang lalaki matapos makabili ng porcelain floral bowl sa isang yard sale sa New Haven noong 2020. Nagpadala pa ito ng mga litrato sa kanila upang malaman kung ano ang halaga nito.

Matapos pag-aralan ng mga antique appraiser ang mga litrato, napag-alaman na ang mangkok ay tinatawag na “Lotus Bowl” mula sa panahon ni Yongle Emperor, ang ikatlong Emperor ng Ming Dynasty. Namuno siya sa Tsina mula 1402 hanggang 1424. Ayon sa Sotheby’s, anim na piraso na lamang ng Lotus Bowl ang natitira sa mundo.

Ang mangkok ay isusubasta sa New York sa Marso 17, 2021 at inaasahan na maibebenta ito sa halagang $500,000.

vuukle comment

USA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with