^

Punto Mo

EDITORYAL - ‘No vaccination, no work’ policy

Pang-masa
EDITORYAL - �No vaccination, no work� policy

MAY mga kompanya na ini-enforce nang magpabakuna ang kanilang empleado laban sa COVID-19. Ang hindi magpapabakuna ay sinasabihan na ilalagay sa floating status o kaya’y ililipat ng assignment o dadalhin sa ibang branches. Sa Iloilo City, sinabihan na umano ng local government units (LGUs) ang mga publiko at pribadong tanggapan na ipatupad ang “no vaccination, no work” policy. Huwag daw tatanggapin ang mga empleado na hindi nababakunahan.

Marami ang tumututol sa ganitong polisiya. Hindi makatarungan ang ganitong patakaran na hindi makakapagtrabaho ang hindi pa nababakunahan. Isang malinaw na paglabag ito sa karapatan ng manggagawa.

Sabi ng Associated Labor Unions (ALU), mahigpit daw ang instructions ng mga may-ari ng establishment sa mga manager at supervisors na huwag pagtrabahuhin ang walang maipakikitang katibayan na nabakunahan na.

Sabi ni ALU vice president Gerard Seno, na  isang uri ng coercion at discrimination ang patakaran ng mga establisimento. Dapat na igalang ng mga kompanya ang desisyon ng mga empleado kung ayaw nilang magpabakuna. Dapat ding papiliin ang empleado kung anong bakuna ang ang gusto para sa sarili nila at hindi ang gusto ng kompanya.

Maski si Trade Secretary Ramon Lopez ay nagsabi na dapat bigyan ng option ang employees na mag-decide at hindi dapat i-required na magpabakuna sila. Sabi pa ni Lopez, dapat pa ngang tulungan ng employers ang kanilang mga tauhan sa pagbibigay    ng kaalaman ukol sa bakuna. Marami sa mga empleado ang natatakot sa side effects ng bakuna.

Itinanggi naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang nasabing patakaran. Wala raw silang iniisyu ukol sa “no vaccine, no work” policy.

Hindi naman talaga nararapat ang ganitong patakaran. Igalang ang karapatan ng mga manggagawa.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with