^

Punto Mo

Maaari bang i-post sa facebook ang picture ng hindi nagbabayad ng utang?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Umutang po ako sa aking kaibigan pero hindi ko siya mabayaran sa ngayon. Noong isang araw, nakita ko na lang sa Facebook na ipinost niya ang profile ko kasama ang aking picture at nakalagay na sana’y magbayad na ako ng aking utang. Ano po ang gagawin ko? Maaari ko ba siyang ireklamo? —Conie

Dear Conie,

Kung para sa iyo ay may halong malisya ang post sa Facebook ukol sa pagkakautang mo at sa tingin mo ay napahiya ka dahil sa nasabing post ay maaari kang magsampa ng reklamo para sa online libel.

Mayroong online libel kapag naglathala ang sinuman sa pamamagitan ng Internet ng malis­yosong pagbibintang ng krimen, o anumang depekto, kondisyon, o kalagayan, na nagdudulot ng pagkasira ng puri o pagkapahiya ng iba.

Kaya kung ang post na patungkol sa iyo ay may mga salitang mapanira katulad ng “balasubas,” estapador” at iba pang mga nakakapanirang puri, maaari ka talagang magsampa ng reklamo sa ilalim ng  Republic Act No. 10175 o “Cybercrime Prevention Act of 2012.”

Tipunin mo ang lahat ng ebidensya ukol sa post katulad ng pagkuha ng screenshots nito at siguraduhin mo rin na maisasampa mo ang reklamo ng hindi hihigit sa isang taon mula nang una mong matuklasan ang mapanirang post.

Kung sa tingin mo naman na ang post ay para lang paalahanan ka ukol sa utang mo at wala namang layunin na ipahiya ka ay pakiusapan mo na lang ang nag-post na babayaran mo na ang utang mo kaya kung maari ay alisin na lang nila ito at huwag na sanang maulit muli. Maari kasing sila pa ang magkaroon ng kriminal na reklamo kung sakaling magkamali sila sa pagpili ng kanilang mga salita at ikaw ay mapahiya dahil sa Facebook post.

 

vuukle comment

FACEBOOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with