^

Life secrets and tips

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - March 6, 2021 - 12:00am

• Kung hindi ka happy sa pagiging single, malaki ang tsansa na hindi ka rin magiging happy kung may karelasyon. Ang kaligayahan kasi  ay nakabaon diyan sa puso mo, wala sa pakikipagrelasyon.

• Kung naghahanap ka ng ebidensiya bilang pruweba na mahal ka niya, then, hindi ka niya talaga mahal.

• Ayusin ang iyong porma. Kapag gusto mo ang iyong hitsura,  nakikita ang self-confidence sa  kilos mo at pagsasalita.

• Kahit hindi ka nagmamadali, bilisan mo ang iyong paglalakad upang mabigyan mo ng energy ang iyong kilos. Ang pagdagdag ng bilis sa paglalakad ng mga 25 percent ay nakakatulong upang madama mo at maipakita sa ibang tao ang iyong importansiya.

• Pagkagising sa umaga, isipin ang sampung bagay na dapat mong ipagpasalamat sa Diyos. Kung nakapokus ang isip mo sa mga grasyang natanggap mo, hindi mo na maiisip ang mga bagay na wala ka.

• Laging umupo sa unahan. Ang pag-upo sa hulihan o sa isang sulok ay tanda ng inferio-rity complex.

• Hindi lahat ng tao ay gusto ka pero hindi ibig sabihin noon ay marami ang may ayaw sa iyo. Ang katotohanan, you cannot please everybody.

• Mas lalong pakinggan mo ang mga taong ang laging ipinapangaral sa iyo ay ‘yung mga bagay na ayaw mong marinig.

• Minsan ang katapangan ay ‘yung matapos mabigo ay sinasabihan ang sarili bago matulog ng: Mas gagalingan ko pa bukas.

• Ang pamilya ay hindi laging kadugo mo. Minsan ang pamilya ay ang iyong malapit na kaibigan o ang pinakamamahal mong pet.

• Huwag mong isipin na wala kang kuwenta dahil ang mahal mo ay hindi ka minamahal. Malay mo, siya pala ang walang kuwenta dahil hindi niya nakita ang nagniningning na diyamante sa tambak ng buhangin.

LIFE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with