^

Kakaibang Eba (4)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - March 6, 2021 - 12:00am

HINDI naman siya da-ting mapagbiro sa mga tsik. Noong nasa kolehiyo siya ay tahimik lang siya at wala ngang naging siyota kahit alam niyang may mga lihim na nagkaka-crush sa kanya. Kahit nga hindi nga siya kaguwapuhan ay napapansin niyang may mga lihim na nagpapa-charming. Pero dahil nga hindi pa siya maboka sa mga anak ni Eba noon, wala siyang naging siyota. Yung ibang classmate niyang lalaki ay may mga siyota samantalang siya ay wala. Zero.

Pero nang makapagtrabaho siya at napabarkada sa kanyang mga kasamahan na pawang mahilig sa tsik, nadebelop ang pagi-ging palabiro niya. Naging maboka. Mabilis siyang nakakaisip ng mga pampatawa sa tsik. At nakukuha agad niya ang kalooban ng tsik.

Kapag sumasama siya sa kanyang pinsang lalaki sa mga birthday party na pinupuntahan, mabilis siyang nakakapambola ng tsik. Na-giging siyota agad niya.

Sa una niyang pinagtra-bahuhang kompanya sa Makati, dalawa kasamahang babae ang naging siyota niya. Iyon ay dahil sa pagiging palabiro niya.

Pero kung gaano kabilis siyang mapasagot ng babae, ganundin kabilis mawala ang mga ito.

At ngayon, si Mariz ang kanyang siyota at mukhang nagsasawa na rin siya.

MINSAN, kinausap siya ng kanyang mama kung kailan siya mag-aasawa.

“Wala ka pa bang balak mag-asawa, Piolo.’’

“Parang ayaw mo na akong kasama rito sa bahay, ‘Ma.’’

“Hindi naman. Kasi’y parang hindi ka seryoso sa mga nagiging nobya mo?’’

“Wala pa akong mapi-ling kakaiba ‘Ma.’’

Napatingin nang ma-kahulugan ang kanyang mama.

(Itutuloy)

KAKAIBANG EBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with