^

Lalaking ‘patay’ na, biglang gumalaw bago iawtopsiya

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - March 6, 2021 - 12:00am

ISANG lalaki sa India na idineklarang patay na matapos magtamo ng malubhang sugat mula sa isang aksidente sa motorsiklo ang “nabuhay’’ habang siya ay nasa autopsy table at handa nang buksan ng mga doktor ang kanyang katawan.

Nasa kritikal na kondisyon ang 27-anyos nang siya ay itakbo sa ospital ngunit idineklara rin ng mga doktor na siya ay patay na at tinanggal na sa ventilator.

Inilipat ang kanyang katawan sa ibang ospital kung saan nakatakdang isagawa ang pag-eksamin sa “bangkay’’.

Doon na natuklasan na buhay pa pala ang lalaki matapos itong gumalaw sa autopsy table.

Agad namang itinakbo ang lalaki sa ibang ospital, kung saan bumubuti na ang kanyang kondisyon.

Ayon sa isang health official sa lugar, nagkaroon daw ng pagkakamali ang doktor na nagdeklarang patay na ang lalaki at nagtanggal sa kanya sa ventilator.

Wala pang isinasampang pormal na reklamo ang pamilya ng lalaki kaugnay sa insidente.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with