^

88-anyos na lolo sa France, humarurot ng 191 kph para sa COVID-19 vaccine, arestado!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

KUMPISKADO ang li­sensiya ng isang 88-anyos na lalaki sa France matapos niyang paharuru- tin sa bilis na 191 kilometro kada-oras ang minamanehong sasakyan.

May kakaiba namang    dahilan na ibinigay ang matanda nang ito’y pagpaliwanagin ng mga pulis: Mahuhuli na raw kasi siya sa naka-schedule niyang pagpapabakuna laban sa COVID-19 kaya siya lumampas sa speed limit.

Hindi naman naging sapat ang dahilan na ito sa mga pulis kaya bukod sa pagka­kakumpiska ng kanyang lisensiya ay in-impound din ang sasakyan ng matanda.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, nagbigay naman ng paalala ang mga pulis kaugnay ng pangyayari.

Ayon sa post, huwag daw sanang kakalimutan ng mga motorista na ang speed li-mit ay para sa lahat at hindi exemp­ted mula rito kahit pa ang mga 60 taon nang may hawak ng lisensiya.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with