^
EDITORYAL - Mag-ingat sa pekeng bakuna

EDITORYAL - Mag-ingat sa pekeng bakuna

(Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

NAGSIMULA na ang rollout ng bakuna noong Lunes. Binakunahan na ang mga health workers sa pangunguna ng mga pinuno ng ospital gamit ang Sinovac. Sa unang araw ay kakaunti ang bilang ng mga nagpabakuna pero nang sumunod na araw ay dumami na ang mga ito. Kahapon ay nadagdagan pa ang mga health workers na nagpabakuna. Nagbago na ang kanilang paniniwala sa bakuna at nawala na ang alinlangan. Malaking tulong din sa pagbabago ng kanilang pasya na magpabakuna na ang ginawa ng mga hepe ng ospital na nagpaturok sa publiko. Dahil sa nakita, tumaas ang kumpiyansa at nawala na ang agam-agam sa Sinovac. Sabi ng Malacañang, malaking tagumpay ang isinagawang pagbabakuna sapagkat nagkakaroon na ng tiwala ang karamihan. Inaasahan na ang magiging matagumpay din ang vaccine rollout sa mga probinsiya. Nagsimula na kahapon ang delivery ng bakuna sa mga probinsiya kabilang ang Davao at Cebu.

Ngayong araw na ito, inaasahang darating ang AztraSeneca. Kapag nasa bansa na ang nasabing bakuna, inaasahang sunud-sunod na ang pagbabakuna sa maraming lungsod sa Metro Manila. Karamihan umano sa local government units (LGUs) ay AztraSeneca ang biniling bakuna. Sa huling linggo ng Marso ay mayroon pa umanong paparating na bakuna. Sabi ng isang mataas na opisyal, maaaring sa Mayo pa umano magkaroon ng mass vaccination. Kapag nagsunud-sunod pa ang pagdating ng mga bakuna, maaaring maisakatuparan na ang mabilis na rollout ng bakuna.

Nakikita na ang unti-unting pagbabago sa bansa nang magsimula ang rollout ng bakuna. Marami ang nabuhayan ng loob. Nagkaroon ng pag-asa. Ang isang dapat bantayan ngayon ay pagdagsa rin naman ng pekeng bakuna. Tiyak na sasamantalahin ito ng mga negosyanteng gustong tumipak ng pera sa pamamagitan ng pekeng bakuna. Nararapat na maging alerto ang Customs sa NAIA sapagkat tiyak nang maraming magpapasok ng pekeng bakuna. Maging maingat naman ang mamamayan at baka mabiktima ng pekeng bakuna. Delikadong maturukan ng pekeng vaccine.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with