^

DFA project officer Lourdely Laid, susunod kay Marichu Mauro

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

TINANGGAL na ang dating ambassador ng Pilipinas sa Brazil na si Marichu Mauro. Naging kontrobersiyal siya nang lumabas sa media ang mga videos ng aktuwal na pagmamalupit niya sa Pilipinong kasambahay sa Brazil.

Mabuti’t may video, nabunyag at natuldukan ang kanyang pang-aabuso. Hindi lang nag-iisa ang kasong ito, siya pa lang ang nasampolan dahil pumutok sa buong mundo ang isyu.

Isa pang dapat kalkalin at ungkatin ay kung bakit pulang passport ang ipinagagamit sa mga kasambahay na dinadala ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) palabas ng bansa.

Ito ang dapat tigilan diyan sa DFA. Dapat irehistro bilang overseas Filipino workers at bigyan ng tamang benepisyo kagaya sa mga OFW ang mga household workers na naka-assign sa kanila.

Dahil dito nangyayari ang pang-aabuso. Walang tatakbuhan ang mga biktimang katulad ng kasambahay ni Mauro – hindi sila monitored at protektado.

Salamat sa desisyon ng Foreign Affairs Board kay Mauro. Tanggal ang mga benepisyo’t hindi na ito makakapagtrabaho sa anumang tanggapan ng pamahalaan.

May inaantabayanan ang BITAG na susunod na masampulan ng DFA. ‘Yung kanilang project officer na si Lourdely Laid.

Inireklamo sa BITAG si Laid noong Disyembre 2020 ng kanyang kasambahay na isang PWD. Walang video ng pananakit subalit nakaranas ang pobre ng pangmamaltrato, pamamahiya at pang-aalipusta ni Laid.

Dinala ang pobreng PWD sa Malaysia kung saan nadestino si Laid gamit ay pulang passport. At dahil gamit ang red passport na for officials only, nakalusot na maging kasambahay ang isang PWD.

Nananawagan ako kay Sen. Koko Pimentel kung saan inilapit namin ang kasong ito. Nagpapaalala ang BITAG kay Senator Pimentel na nakatutok at nakaabang kami sa progreso ng kaso.

Alam naming kumikilos na ang iyong legal team at nakikipag-usap sa DFA. Umaasa kaming walang lutuan dito dahil may biktimang inabuso.

At sa’yo Lourdely Laid, wala akong pakialam kung sinuman ang padrino mo sa DFA.

Oras na mapatunayan ang mga ginawa mo sa kasambahay na PWD, sisiguraduhin kong susunod ka sa yapak ni Mauro.

 

 

DFA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with